Oops naligaw ata ako! hehe biglaan lang po ito bigla ko naisipan magbalik blogosphere haha! Sana ay may mga nasurpresa sa aking pagbabalik :)
At katulad ng biglaan na post na ito biglaan lang din ang lakad na ito sa Caramoan, parang sa isang iglap nagising na lang ako nakasakay na pala kami sa bangka!
Pero good thing natuloy ito kahit biglaan mag 1 year na rin naman ako dito sa Bicol kaya kailangan mapuntahan na ang mga dapat mapuntahan na tourist spots para naman hindi ako masabihan na banyaga sa sarili nating bansa hihi.
At eto naman ay for your eyes only my dear readers, 3am kami umalis ng Naga City proper para makahabol sa earliest trip ng bangka to Caramaon Island. I so love the sunrise at talaga kinunan ko siya habang nakasakay kami sa bangka.
For 120 pesos na transportation 2 hrs kami nag travel from San Jose para makarating sa Isla ng Caramoan
Ang litrato ito ay kung saan ginawa ang huling challenges ng mga nagdaang Survivor sa isla. Im not sure kung anu bansa basta eto daw un isa sa mga natira nila alala ayon sa aming tour guide
Ang kauna-unahan kong pageksena ng posisyong planking! Haha. Gumaya lang ako sa friend ko na nag plank sa ilalim ng batuhan.
Isa sa mga birhen na isla sa Caramoan kung saan kami ng lunch napakaganda ng buhangin dito pino pino parang sa Boracay daw sabi ng isang kaibigan.
Syempre mawala ba ang jumpshot syempre hindi ayan at nagpakuha ang mga hayok. Gamit ang aking camera.
Our ultimate cave adventure sabi ng tour guide eh free na daw ang pag tour niya sa amin sa isla kung saan naroroon ang kweba mabato hehe.
This picture show a clear imitation of a crocodile kaya Crocodile Island daw ang tawag sa kanya.
Swimming moments with friends after eating lunch langoy mode na ang mga lakwatsero at lakwatsera.