Saturday, November 12, 2011

The Story of Mr.BPO

Warning: Ang post na ito ay naglalaman ng hindi masyadong maganda kwento ukol sa isang taong aking nakilala noong nakaraang buwan lamang. Patnubay at pag unawa ay kailangan peace be with u MR.BPO Guy. Nagsimula ang lahat sa isang mensahe,isang umagang kay ganda bago ako pumasok sa aking trabaho ay nag browse muna ko ng mga emails ko at messages, at nabasa ko ang isang mensahe galing nga kay Mr.BPO ito ay sa pamamagitan ng isang sikat na LGBT site na kung saan ako ay may account. Syempre konti Q and A portion lang at may pasok pa so I told him to leave his number para matext ko sya even offline. Then he gave me his number. At habang tumatagal na magkatext kami may napapansin ako kay Mr.BPO nagiging sweet siya to the highest level. I don't know why pero syempre ang lolo nyo hindi masyado nagpa carried away sa text for all I know baka pakita tao lang un and we dont even see each other yet kaya may konti boundary pa, at dahil sanay na rin ako sa mga ganung eksena ay hindi rin ako nagpadala basta basta sa mga pa tweetums effect. Then after a week of texting and talking over the phone we decided to meet each other. Alam niyo naman medyo malayo location ng inyong lingkod kaya hindi agad agad makaluwas ng Maynila para makipagmeet lang! at hindi pa naman ako ganung ka desperado para magsayang ng pamasahe for meet ups. So un isinabay ko ang pakikipagkita sa kanya, noong pinalipad ako ng opisina for training and meeting. It was saturday morning noong nakabalik ako sa Manila that's the time that we decided to meet each other, btw si Mr.BPO pala eh newly promoted Manager from being a QA sa Sutherland (at sinabi ko talaga ang name ng company niya haha),so ako naman medyo may konti paghanga na agad because at his age of 22 ata eh nandun na siya sa ganung posisyon. Im really attracted din naman kasi sa mga Smart guys at ung may maganda career path na tinatahak. At ayun nga nagkita kami in one of the restaurant in Baclaran and decided to have our bfast. Galing siya work nun ako naman galing pa ng Bicol. Syempre both of us eh nag effort para makipagkita sa isa't isa. At noong nagkita na nga kami okay naman siya kausap, may sense at substance at kung anu ung pinakita niya during our previous phone conversation ay ganun pa rin naman siya sa personal at medyo sweet parin kahit sa unang pagkikita. So ako medyo na attach na ng konti SLIGHT pa lang naman at ung kita pa lang. Pero tama ang kasabihan less expectations, less disappointments din. We are both Cavitenos pala he is from Imus and I am from Naic. Pero magkaiba ang way pauwi he will ride a bus and ako naman Gt express kaya hindi kami makakapgsabay. Pero we decided to meet each other again on the following day kesyo kailangan daw sulitin ang bakasayon ko habang nasa Manila pa. At eto na ang pinaka exciting sa lahat, kinagabihan ay text ko sya kung tuloy pa kami o hindi na, at mula sa mahimbing na pagkakatulog ay naka received ako ng mensahe mula kay Mr.BPO guy na hindi daw muna kami matutuloy dahil bday celebration ata ng isa niya kapatid! Haha I knew it ang mga ganyang tactics ay bulok na. Sana kung ayaw niya hindi na sana siya nakipag commit na makipagkita pa kinabukasan. And so I was disappointed. Hindi ko alam kung nabagok ba si kuya mula sa mahimbing niya pagtulog o sinasadya niya magkaroon ng Anterograde Amnesia! Haha Bitter Much! Pero Keri lang. Caredeads na kay kuya. Hindi naman siya ganun ka cute or kagandahan para suyuin at pilitin. Tama rin ang ksabihan kung sino pa ung di kagandahan o kgwapuhan eh sila pa ung choosy sa mga panahon ngayon! Haha. At dahil sa mga eksena ganito ay nadagdagan na naman ang mga traumatic issues ko with the BPO people. Ayoko na sa inyo!Joke. Peace be with u guys :) I know a lot of my followers ay nasa BPO industry at may mga kaibigan din ako nasa BPO kaya hindi ko naman nilahat. Pero sana lang naging totoo siya sa pagharap sa tunay niya saloobin. Next time ay mas magiging careful ako sa pagkilatis pa ng mga taong aking makikilala.

7 comments:

Diamond R said...

ang ganda na usapan susulitin ang bakasyon ano ang nangyari? ang bilis naman ng mga pagbabago.

PluripotentNurse said...

@ DR i really dont know the problem with that guy. Hinayaan ko na lang :)

Unknown said...

good thing di ka agad nagpadala. 'ung mga katulad nila dapat ang nagiging endangered species. =]

PluripotentNurse said...

Laughing Cow exactly, premature pa kung baga eksena ni kuya! haha.

I agree with u precisely :)

Anonymous said...

hmmm...

kukuru-kuryu said...

nandamay ka na naman ng mga sibilyan sa BPO industry. lol :)

he's not worth of your time.

btw, the next time you drop by here in Legazpi i'll take you to red cheese

PluripotentNurse said...

@Kikomaxx why hmmmmm?

@Bestfriend tama ka dyan he's not worth for my time. Where is red cheese located pala?