Thursday, December 15, 2011

Tatak PINOY

Tayo mga Pinoy ay unique marami tayo bagay na maipagmamalaki at maipagmamayabang sa ibang lahi. At narito ang ilan sa ating mga tatak na kapag narinig ng ibang tao ay malalaman na PINOY ka nga!

  1. Brand Mention- nasanay ka na itawag ang isang brand para sa lahat ng generic halimbawa na dito kung bibili ka sa tindahan softdrinks. Sabihin mo pabili ng Coke pero ang hinahanap mo pala ay Pepsi. Bibili ka ng toothpaste sabihin mo Colgate pero ang hanap mo naman pala ay Close-Up haha kulit!
  2.  Tabo User- yes malalaman mo pinoy ang isang tao kung naghahanap ng tabo sa CR, karamihan sa atin ay nagahahanap ng tabo dahil hindi tayo sanay gumamit ng shower haha! 
  3. Souvenir Getlakers- sorry for the word oo mahilig tayo mag uwi ng mga souvenirs na galing kung saan saan, isang halimbawa na dito kung mag check in ka sa Hotel, Pinoy ka kung kuhanin mo lahat ng toiletries including shampoo, conditioner at kung anu mga anik anik na pwede iuwi ng wala bayad haha
  4. Street food Maniac- mahilig tayo kumain ng mga street foods including isaw, dugo, balot, penoy. kwek kwek at kung anu anu pang makita sa daan na mga pagkain ay talaga namang tikman natin ito. 
  5. Telanovela Supporter- aminin na natin na minsan ay nahook din tayo sa mga telanovela not just local pero pati mga Mexican, Korean novela ay tinangkilik din natin. Halimbawa na lang ay ang Marimar at Jewel in the Palace ilan sa mga talagang sinubaybayan ko noong ako ay bata pa haha.
  6. Text and Internet Addict- kilala kilala tayo bilang isa sa mga lahi na mahilig mag text at mag internet kaya wala duda talaga na lagi tayo nanalo sa mga patimpalak ng kung saan may voting tru text or tru online! 
  7. Pocket Book Reader- hindi ko hilig magbasa ng mga pocket books pero halos lahat ng kakilala ko mga kababaihan nahook ata sa mga pocket books. I dunno if this is similar to your experience pero in my case lahat ata ng nakakasalamuha ko including my ate ay mga tunay na Pocket Book Reader.
  8. Mahilig sa Libre- haha eto talaga hindi ko itanggi mahilig din ako sa libre, libre mo ko dito libre mo ko doon. Naalala ko pa noong college ako first time ko nakainom ng Kape sa Starbucks dahil sa Professor ko haha. 
  9. Bago pag may Bisita- isa ito sa katangian ng mga Pinoy na sa tuwing may okasyon o may bisita ay doon lang natin ilalabas ang ating mga bagong gamit haha sad pero hindi ko alam bakit ganun ang nakasanayan ng karamihan sa atin. 
  10. Mahilig Mamasko- haha at dahil pasko ayan eto ung last entry ko mahilig tayo magbahay bahay sa mga Ninong at Ninang natin. Naalala ko pa noong bata ako na talaga puntahan ko lahat ng mga may utang sken para lang kumita ng mga malutong na pera haha! Pero syempre ngayon malaki na ako ay ako na ang dapat mamudmud ng pera haha :)
Ikaw Pinoy ka ba? May naisip ka pa ba na iba TATAK nating mga PINOY?

Welcome po ang inyong mga idea at comment. 

7 comments:

Diamond R said...

natawa ako doon sa tabo.para yatang nasanay tayong mag tipid ng tubig.

Anonymous said...

ay hahah ako ito ah... ako lahat ito.. hahaha

YOW said...

Tabo user din ako at pagdating ko dito, yun agad ang una ko hinanap. Hahaha. Pero shower user mey, di ako naliligo ng tabo. Panghugas lang ng wetpaks ang tabo pagka-number 2. Hahaha.

PluripotentNurse said...

@ DR alam mo yan hehe.

@ Kikomaxx walang duda pinoy ka nga :)

@ Yow typical talaga sa mga Pinoy na pagpunta sa ibang bansa tabo ang hinahanap haha.

Lady Fishbone said...

hahahaha... oo tabo user nga! tapos ung mahilig sa libre jan ang ako "IN" hehe... alangan tanggihan ang libre diba? pero if meron hindi naman ipagdadamot na i-share sa iba...

advance merry christmas bro!! ;)

PluripotentNurse said...

@ Jessica mabenta talaga ang tabo sa ating mga Pinoy haha!

Merry Christmas din sayo thanks for the comment :)

kukuru-kuryu said...

Brand Mention - check
Tabo User - check
Souvenir Getlakers - check
Street food Maniac - check (maniac - check na check lol)
Telanovela Supporter - check
Text and Internet Addict - check
Pocket Book Reader - not so...
Mahilig sa Libre - check
Bago pag may Bisita - check
Mahilig Mamasko - check

:-)