Monday, January 17, 2011
Sorsogon City, Sorsogon
Nagising ako kanina ng 5:30AM sobrang lamig, ang lakas ng hanging sa Naga para bang may bagyo kaya't may pag aalinlangan sa aking isipan kung tuloy pa ba ako o hindi. Pero dahil trabaho ito go pa rin!
Sobrang lamig ng tubig nanginginig ako habang binubuhos ang tubig na parang may yelo hate the feeling para talaga ako himatayin sa lamig!
First time ko mag byahe ng mag isa kadalasan ay sinusundo ako ng aking counterpart.
Kaya ko to i need to overcome my fear! Byaheng Naga-Daraga ang sinakyan ko. Take note ang pamasahe 140php may kamahalan dahil malayo talaga.
Filcab ang tawag nila sa mga GT Express dito kasi sa manila or cavite FX/Van lang ang nakasanayan pantawag sa mga sasakyang ito.
Almost 2hrs ang byahe ko from Naga to Daraga then check in muna sa Hotel baka maubusan ng room.Mahirap na baka wala ako matulugan.
Then bumalik ako ng terminal ng Daraga papunta Sorsogon! Whew ang layo din.
Almost one and half hour ang byahe sa ma zigzag na daan patungong Sorsogon. Pinakamalayo na ata ito sa lahat ng aking napuntahan dito sa BICOL Region.
Wala masyado food trip dito toxic kasi ng coverage wala ang mga dokies ko kaya early ako makabalik ng Legaspi...
Hay buhay ng isang ahente more travelling more fun!
Hanggang bukas ulit nasa Tabaco City,Albay naman kami :)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
14 comments:
at least napuntahan mo na ang probinsiya kong mahal.sigi try mo pang magpa magallanes baka di ka makapaniwal na meron pang dulo ang wlang hanggan.
Ingat na lang. enjoy the rolling hills and mountains of sorsogon.
Nice experience. Sana makapunta din ako jan. hehehe .. sama mo naman ako minsan kapag nakapag day off ako sa mga amo ko. hehehe
buti naman at safe and sound kang nakarating kanina..w ahehee
ang family ko sa bacon sorsogon...
enjoy lang ng enjoy while your still there kuya, at least you have the chance to stay there
....ingat po lage!
:D
@ Diamond R saan banda ung magallanes? Thanks katakot ang daan ang dami curve.
@ DH sure punta ka dito i tour kita. Uh-oh talaga pinanindigan mo ang pagka houseboy ah?
@ Kikomaxx oo nakatakot lang kasi may check point pa sa daan. Marami ata NPA doon.
@ Uno di ko pa napuntahan un malayo ba?
@ TR thanks ulit naku sana nga ma enjoy ko ang bicol escapades ko.
yun oh... pagbalik ha pasalubong hehhe :D
wow, dami mo na narating ah.. pagod nga lang.. pero buti naman parekoy at safe ka.. ingats lang parekoy
@ AXL pili nuts gusto mo?
@ Istambay oo nga dapat ata ibahin ko na ung title ng blog ko hihi! Thanks kaw din yngat :)
mganda po ba jan?halika po dito sa amin d2 sa Ilocos, mas mraming mgagandang lugar d2
hahaha mahilig pa naman ako sa mga sight seeings. nature lover kasi ako.haha nawawala pagod ko kapag nakakakita ng mga bago sa mata ko.
goodluck PN!
enjoy my hometown!!! other than donsol, try monbon hot spring! although isa ding malayo yan! hahahaha.
kiss sorsogon for me, please! hehehe
enjoy my hometown!!! other than donsol, try monbon hot spring! although isa ding malayo yan! hahahaha.
kiss sorsogon for me, please! hehehe
@ Emman yes mahalina ka sa ganda ng bicol! Cge hayaan mo at baka ma assign ako dyan soon :)
@ Kyle same here naka relax makita ang nature very pleasant to our eyes. Thanks ah!
@ Wandering naku taga Sorsogon ka pala gusto ko i try yang hot spring na yan. Sure no prob i will!
Post a Comment