This is it! Im so ecstatic!
Ganun pala ang feeling ng pagsakay sa eroplano, parang ka mahulog pag mag take off na. Haha tanga tangahan mode.
Medyo delayed ang flight ko dahil sa dami ng departures sa Terminal traffic sa runway. Late ng 1 hour ang byahe.
Fortunately ung counterpart na palitan ko nandito pa para I endorse ako sa mga target doctors namin. Ang kagandahan nun may sumundo sa akin sa airport hehe…
And there you go area na agad ang eksena naming!
At una niya pinatikim sa akin ang rice puto na kulay puti at may kulay violet tapos may palaman sa loob. First time ko makatikim ng ganun puto. Wala sa Cavite o sa Manila hihi.
We went to uptowns Guinobatan, Ligao and Polangui. Medyo may kalayuan ito sa main city. It take us 30-45 minutes bago makarating sa aming first stop.
And medyo hirap ako makipag communicate dahil sa Languange Barrier. Though medyo may alam naman ako ng konti salita nila pero shock pa rin ako nung first day.
At natapos ang unang araw naming nag check in ako sa isa sa pinakamurang lodging house sa Legazpi ang Sampaguita Hotel Inn.
Mura mura ditto 300 lang per day ang bayad kaya palo palo sa lodging allowance ko hihi!
Ung aircon room n asana ang kunin ko pero sabi ng counterpart ko malamig naman sa gabi kaya okay ka na sa electric fan na lang. Kaya’t ung ordinary room na lang ang kinuha ko.
The room is a typical room with private bathroom. Kaya pwede na pero may naalala lang ako sa mga ganito set up haha! Alam na siguro ng karamihan kung anu ung tinutukoy ko.
O kung di niyo ma gets ask me personally or try it for yourself kung hindi mo pa na try lol.
At isa pa san nakakapanibago dito napaka unpredictable ng weather palagi umuulan!
Ewan ko ba buti na lang at hindi nag alburoto ang Mayon Volcano hihi!
Ang bulkan na nakikita ko lang sa pictures noong ako ay bata pa lamang ay abot tanaw ko na.
Masarap din ang mga foods dito sa local resto nila dito like BIGGS nasa Bicol lang ata meron.
Went to EMBARCADERO kanina lang doon kami nag lunch pero di mo magustuhan ang view malapit nga sa dagat pero lakas naman ng ulan haha!
Araw-Araw ata may bagyo dito sa ALBAY nakaloka!
Wifi courtesy of MCDO Gaisano. Kaloka lang wala outlet for charging kaya limited online lang hayy!
To be Continued…
5 comments:
naks! food trip agad ah! hehehe
pictures! pictures! pictures! ;)
oo nga pictures! kanta nalang kayo dyan ng rain, rain go away come again another day!LOL
hahaha ano ba pinunta niyo jan pagkain? wahehhee
ikaw lang ba magisa sa kwarto or may kasama hahahahaha
@ Nims oo ang dami temptations dito harhar! Isa pa lang ang kuha ko sa cam sa sobra ka toxican wah!
@ Kyle cge mag post ako pag nakaluwag luwag na. Uh-Oh Unlimited ang ulan dito sa Albay!
@ Ronster Uh-Oh sorry naman po hehe at talaga first timer lang ako.
@ Kikomaxx work po ang ipinunta ko dito hihi.
@ Hard ako lang so alone and afraid huhu :(
Post a Comment