Thursday, January 13, 2011

Only in BICOL

UH-OH! Im back after a busy week of work and endorsements.

Mag blog na ulit ako. Hindi pa rin stable ang internet connection ko naki wifi pa rin kung saan saan. Kaiba pag nasa bahay ako na unlimited and connection.

Just want to share this with you:



1.BIGG's Diner-the largest food chain in BICOL Region

Halos lahat ata ng lugar sa Bicol meron sila branch, para ito Jolibee or Mang Inasal na naglipana kung saan sulok ng Pinas. Ang kaibahan nga lang talaga eh sa Bicol lang sila meron.

Masarap ang breakfast meals nila dito at ung hamburger kaiba ang lasa from the common burger na ating nakakain sa MCDO o KFC. Thrice pa lang ako nakakain dito pero masabi ko world class ang kanilang mga serve na food. Super like ung branch nila sa Magsaysay, the best ang interior at designs sa loob unique may pagka vintage ang drama.




2.K-Sarap Resto in DAET Camarines Norte

More lafang more fun talaga ang ginagawa ko dito syempre in between work naman. My counterparts always introduce me to a lot of new food and restaurants to dine in. Kaya't ng mag area kami sa Daet go agad sa K-SARAP.

Ang nice ng place nature friendly ang setting nila. At mukhang mga working students daw ang mga nag serve ng food. Isa na dito si EJ na pinagpantasyahan ko lang naman habang kami ay kumakain, sayang hindi ako nakapag pa picture sa kanya hehe. Next time ipakita ko ang kakisigan ng waiter na ito at ng mahusgahan niyo hihi!

Pero the experienced with the food and food servers were great! The best ang sinigang na baboy, fried chicken na wings at ang dessert nila Syerbet from the word na sorbetes ata ito. Na try ko ung mais con yelo na flavor at ung buko. Kahit malamig that time. Sarap pa rin kumain!



3. Graceland Baker's Plaza

Twice ko na na try ung mga food nila first ung leche flan nila na sakto lang ang lasa at ang Special Bicol Express nila with extra rice hihi!

Shocks manaba ata ako ng bongga dito sa Bicol puro kasibaan na lang ang laman ng isipan ko lol.

4.CWC

Ang famous water sports complex ng Pinas na kung saan ito ay dinadayo ng mga parokyano galing sa ibat ibang bansa. First time ko kanina dito noong un akala ko bongga bongga ang lugar na ito. Pero sakto lang pala pag nandoon ka na sa place magsawa ka na lang sa kapapanood sa mga puti na nag tumbling ng bongga at nagpapakita ng kanilang kakisigan sa pag wakeboard.

Fabulous! Ika nga ng counterpart ko beki hihi. Nakapag unwind naman ako kahit papaano at nabusog ang aking mata sa mga eksena sa lugar.

Note: Hindi ko pagmamay-ari ang mga larawang nasa itaas. Palitan ko na lang ang mga ito pag na upload ko na mga kuha ko. Ito ay inilgay ko lang para ma satisfy ang cravings ng mata ng aking mga readers.

11 comments:

Diamond R said...

you caught my attention kaagad sa word na bicol. ako pa basta bicol.

happy naman ako na nagustuhan mo ang mga resto sa bicol.

magtatagal ka ba diyan?
wag lang puro siba baka manaba ka diyan.

Kapitan Potpot said...

Dapat ma-try ang mga yan pag nagpunta ako ng Bicol. Hehe.

Ingat jan sa Bicol, have a good one there! :)

Anonymous said...

ay ikaw na talaga ang may pinakamaraming nafofood hop.. wahehhe sarap siguro jan sa bicol...

casado said...

naalala ko ung suman na pa triangle na dinadala ng uncle ko dati from daet..hongsarrap....buo buo pa ung coconut sa loob!

ang di ko makain ung dilis na puro sili..angsarap sana kaso ang anghang sobra!! ahaha :P

Axl Powerhouse Network said...

whhwhw ang daming foodtrip.. pasalubong ha.. wag makalimot hehehe :D

c - e - i - b - o - h said...

yngat yngat jan,,
naku,, try ko yan pag pumunta ako ng bicol.. hehehe

Lone wolf Milch said...

sana pinicturan mo din ang food wow dami pala kainan sa bicol

PluripotentNurse said...

@ Diamond R thanks much! Halata Bicolano ka hihi.

Yep masarap naman kasi mga food at bago sa panlasa.

Opo dito kasi work ko eh.

Haha wish ko lang wag ako manaba sa sobra sarap ng mga pagkain nila.

@ Louie sure try mo! Thanks ah.

@ Kikomaxx hindi naman masyado part ng pang araw araw na task ang pagkain lol.

@ Papa Solt's nakapunta ka na ba dito? hihi. Di ko pa na try ung mga nabanggit mo pero cge i'l search for it.

@ Ronster punta ka dito! hihi

@ AXL masiba kasi ako hehe. Sure no prob.

@ Ceiboh dapat talaga ma-itry mo mga to.

@ Hard may mga pics ako upload ko pag may time hihi!

Sendo said...

hmmm pagkain!!! mahilig na mahili gako sa pagkain...nyaha..nasasarapan ako sa review ko...kaya kung nagkataon at nakagala ako sa mga lugar na yan....eh dyan ako kakain ^^

Mac Callister said...

bicolano ka pala...sana makarating din ako minsan jan at ng makainan ko yan mga yan!

tapos sa bahay nyo ako makikitulog!LOL!

PluripotentNurse said...

@ Sendo more food more fun talaga ang eksena ko dito hihi! Review for board ba?

@ Mac hindi po ako taga dito. Caviteno ako nagkataon lang na dito ako nadistino dahil sa aking work.

Sure punta ka dito at i tour kita sa Bicol hihi!