Saturday, January 15, 2011

Alone in the Island of Storm



Legaspi Airport with Mayon Volcano behind

It’s my 12th day here in Bicol na pala. Lately nabasa niyo ang mga post ko more on food trip and my adventures in this distal region. Pero behind those happy moments may mga bagay pa rin na hindi ko mapaliwanag na umiikot sa aking isipan.

Until now ang dami ko pa rin adjustments lalo na language nila na medyo pahirapan sa pag intindi lalo na’t nasanay ka sa tagalog at English lang, kahit sino mahirapan talaga. Pero it takes time to learn everything kaya ako sige lang matutunan ko din ang pagsasalita ng Bicolano. At siyempre medyo ligaw pa rin ako sa rehiyong ito sa sobra laki ba naman ng area kulang ang isang buwan para ma memorize at matandaan mo ang mga pasikot-sikot.

Naalala ko noong college ako ganito ganito ung feeling ko para ba magsimula ako ng panibagong buhay away from home. I miss my mom, my dog and our house. Nostalgia talaga lalo na’t ganito pa ang panahon ditto wala tigil ang malakas na hanging at ulan. Talaga ma miss mo ang lahat ng nakagawian mo kung ikaw ay nasa iyong comfort zone.

One thing more na kulang, na miss ko din ang magkaroon ng minamahal, mahirap kasi alone ka na nga sa ibang lugar alone pa ang puso mo, paano ka na sigla db?

Hindi naman ako nagmamadali dahil naniniwala pa rin ako na darating siya sa tamang panahon. Pero kailang nga kaya siya darating?

Kung mababasa mo ang post ko na ito magparamdam ka sakin haha.Joke!

I do accept referrals naman kaya kung may kakilala kayo na naghanap din why not?

So much for this, kuntento pa naman ako sa buhay single. Kaya pa naman mag hintay.

Ibuhos ko muna ang aking pagmamahal sa aking trabaho para yumaman ako agad lol.

9 comments:

Anonymous said...

hahaha tama yan. always be hopeful pero less expectations. :)

go ka lang sa Bicol adventures mo.hehehe

Diamond R said...

yon! ng yumaman kaagad.

gaano ka katagal diyan? Pag umuwi ako i want to see you akyatin natin ang mayon.

dapat marunong ka ng magbicol.para mauragon.

Nimmy said...

makahanap nga ng mga qualified applicants. LOL.

enjoy your stay there kuya! Good vibes lang lagi! :)

Guyrony said...

Being alone is quite taxing on the mind.

However, the need to have someone just because you feel alone is more taxing.

Anonymous said...

tama yan, pakasarap na muna you bago you mag engage sa relationship....
:)

Anonymous said...

Godbless dyan ha...

Axl Powerhouse Network said...

yun oh... enjoy at god bless :D

TAMBAY said...

enjoy muna sa career parekoy.. at enjo din sa adventure mo jan.

ingats parekoy

PluripotentNurse said...

@ Kyle thanks hihi! Less expectations less heartaches lol.

@ Diamond R joke lang po iyon, mukhang magtagal ako dito hihi! Naks sabi mo yan ah game ako diyan!.

Im trying to learn the bicolano way of life sir! Maging uragon din soon.

@ Nims go lang! hehe hanapan mo ako pls hihi. More kuya more fun ka talaga :)

@ Guyrony yeah life is so ironic.

@ TR ganun na nga wala naman ako magawa kundi mag hintay :)

@ Kikomaxx thanks. Kaw din.

@ AXL and Istambay thanks much! Kayo din.