It's raining men...Yes mga Men nga!
sa apartment ni Tita Alice kung saan ako ng bed space...
Retired teacher na ang lola niyo kaya naisipan mag negosyo ng paupahan,
may room for rent...
may bed space...
at may transient din!...
Yabang ni Lola. este Mayaman pala hihi...
at ang pagkaka alam ko eh exclusive ang apartment ni Tita for Medreps, Nurses and Students.
Pagdating ko last friday night disaster ang aking nadatnan,
ang dami newbies sa bahay ni lola.
So nagtanung ako kay JunJun hindi niya tunay na pangalan ( call center agent na kasambahay)
Sabi ko sino sila?
Sagot niya sakin...
Ah...Mga taga chowking sila 14 days ang training nila sa mga branches ng Chowking here in Naga.
All of them were from Iriga, mukhang may itayong Chowking doon.
Sabi ko lang ahh okay kaya pala.
So nag scout na agad ako tumingin tingin sa salamin at check ko kung may cutie ba sa kanila.
Syempre meron! 5 out of 20 ang pwede na! haha.
The rest "chakakan" na lahat.
Pero isa pa lang sa mga bet ko ang nakakausap ko, medyo mahiyain ung apat haha.
Si Jovern na graduating student ng HRM siya lang ata ung may lakas ng loob na makipagusap in Tagalog most of them syempre Bicolano, ayaw ata mag salita ng ibang wika lol.
Ako lang mag isa sa mga kapwa ko reps ang nandito sa apartment lahat sila naguwian hayy.
Sadness alone again!
Ayoko naman magpaka bibong bata at i approach isa isa sa ang 20 men!
Baka mag epistaxis (nosebleed) ako pag nagkataon ayoko nga!
Ang latest nawalan ng cellphone ang katulong ni Tita, at hinala niya isa sa mga chow chow boys ang kumuha.
Scary kaya super lock ako ng door mahirap na mawalan ng gamit.
Careful lang!
8 comments:
ingat ingat lang kuya!
picture~! picture! picture! hehehe
You are enjoying your bicol experienced keep it up. baka na misplaced niya lang ang cell na nawala.pag ang refrigerator ang mawala ibang usapan na yon. Ingat.
Sabi nga sa post ke Ms. CHuni, meron bang ipad-able sa mga yan? lol
baka hindi ka hingan, kunin na lang bigla. pero bawal magbintang, baka namisplace lang.
@ Nims thanks ah cge cge post ko ung iba namin post sa Cagsawa :)
@ Diamond R oo nga more about bicol lagi ang post ko hihi. Ay iba na talaga usapan un! Kelan ka ba uwi? hehe.
@ DH oo un ang malaking tanung natawa ako sa Ipad-able lol. Hmm ewan ko ba sa kanila.
wag kang mawalan ng gamit, pluri. puri na lang.
whaha pambihira... ingat sa mga gamit ha :D
ingat nga lang parekoy, kung cute man ang mga yan, wala sa itsura ang gumagawa ng masama heheh... don't leave ur valuables unattended hehehe...
Ingat nalang ang maikocomment ko. tulad ng payo ng iba
Post a Comment