Tuesday, November 22, 2011
Hyundai Ad Congress Marathon 2011
Isa ang running sa kinahumalingan ko sport sa ngayon kaya mega eksena ako palagi kapag may mga fun run at marathon hindi para umaura lang kundi para naman maging healthy ang mind and body ko. At recently I joined this marathon for free salamat sa Ad Congress at sa sponsor ng event na Hyundai.
At ang tarpauliin na ito ang bungad sayo pagpasok ng CWC where the marathon and Ad Congress was held, syempre kailangan nandyan ang imahe ni GOV! at parang kulang na lang ilagay din niya sa tarpaulin ang NO TO BUKAG CAMSUR! haha.
At ang isa ito naman ay nakit ko na lang after the marathon sa pag iikot ko sa CWC to get some pictures.
Sila ang mga menchu na kasama ko during the event, Si Mac ung nagsama sakin nakilala ko lang siya dahil sa isang kaibigan na mahilig din tumakbo. At mas mabilis siya tumakbo kesa sken.
Syempre more eksena more fun ako bilang patunay na natapos ko ang 10K run sa loob ng 1 oras at 5 minuto not bad for a first timer.
And this is the finish line of the marathon super nakakapagod pero nag enjoy ako sa libre patakbo na ito na may kasama maganda singlet. Nag collect kasi ako ng mga singlet din. And take note kahit na puyat ako ay nakuha ko pa mag work after the run haha laspag na laspag ang katawan ko during that day para akong ginahasa sa dami ng ginawa ko.
Monday, November 14, 2011
Old Zigzag Road
Isang maulan na umaga sa inyong lahat mga ka blog. I would like to share my photos taken last Nov.1,2011. Ito ay ang aking kuha sa Old Zigzag Road sa Atimonan. First time ko dumaan sa nasabi lugar pabalik na kasi ako ng Bicol, nakapagod ang byahe almost 9 hours ata ako nasa kalsada nakaupo at nag maneho sakit sa tuhod infairness.
Pero pagkarating ko ng Quezon ay hindi ko maiwasan hindi tumigil sa toursit spot na ito. Ako'y namangha at talaga nagpark makuhanan lang mala enkantadyang lugar na ito.
Very nature friendly at may groto pa si Virgin Mary :)
Very relaxing ang mga tagpo sa minipark na to sa Atimonan na ginagawa stop over ng marami turista.
At kailangan may kuha ang inyong lingkod bilang patunay na ako nga ay nakapunta na dito. Self timer lang yan ng digicam ko buti na lang sakto ang kuha.
Very nature friendly at may groto pa si Virgin Mary :)
Very relaxing ang mga tagpo sa minipark na to sa Atimonan na ginagawa stop over ng marami turista.
At kailangan may kuha ang inyong lingkod bilang patunay na ako nga ay nakapunta na dito. Self timer lang yan ng digicam ko buti na lang sakto ang kuha.
Saturday, November 12, 2011
The Story of Mr.BPO
Warning: Ang post na ito ay naglalaman ng hindi masyadong maganda kwento ukol sa isang taong aking nakilala noong nakaraang buwan lamang. Patnubay at pag unawa ay kailangan peace be with u MR.BPO Guy.
Nagsimula ang lahat sa isang mensahe,isang umagang kay ganda bago ako pumasok sa aking trabaho ay nag browse muna ko ng mga emails ko at messages, at nabasa ko ang isang mensahe galing nga kay Mr.BPO ito ay sa pamamagitan ng isang sikat na LGBT site na kung saan ako ay may account.
Syempre konti Q and A portion lang at may pasok pa so I told him to leave his number para matext ko sya even offline.
Then he gave me his number. At habang tumatagal na magkatext kami may napapansin ako kay Mr.BPO nagiging sweet siya to the highest level. I don't know why pero syempre ang lolo nyo hindi masyado nagpa carried away sa text for all I know baka pakita tao lang un and we dont even see each other yet kaya may konti boundary pa, at dahil sanay na rin ako sa mga ganung eksena ay hindi rin ako nagpadala basta basta sa mga pa tweetums effect.
Then after a week of texting and talking over the phone we decided to meet each other. Alam niyo naman medyo malayo location ng inyong lingkod kaya hindi agad agad makaluwas ng Maynila para makipagmeet lang! at hindi pa naman ako ganung ka desperado para magsayang ng pamasahe for meet ups. So un isinabay ko ang pakikipagkita sa kanya, noong pinalipad ako ng opisina for training and meeting.
It was saturday morning noong nakabalik ako sa Manila that's the time that we decided to meet each other, btw si Mr.BPO pala eh newly promoted Manager from being a QA sa Sutherland (at sinabi ko talaga ang name ng company niya haha),so ako naman medyo may konti paghanga na agad because at his age of 22 ata eh nandun na siya sa ganung posisyon. Im really attracted din naman kasi sa mga Smart guys at ung may maganda career path na tinatahak.
At ayun nga nagkita kami in one of the restaurant in Baclaran and decided to have our bfast. Galing siya work nun ako naman galing pa ng Bicol. Syempre both of us eh nag effort para makipagkita sa isa't isa. At noong nagkita na nga kami okay naman siya kausap, may sense at substance at kung anu ung pinakita niya during our previous phone conversation ay ganun pa rin naman siya sa personal at medyo sweet parin kahit sa unang pagkikita.
So ako medyo na attach na ng konti SLIGHT pa lang naman at ung kita pa lang. Pero tama ang kasabihan less expectations, less disappointments din.
We are both Cavitenos pala he is from Imus and I am from Naic. Pero magkaiba ang way pauwi he will ride a bus and ako naman Gt express kaya hindi kami makakapgsabay. Pero we decided to meet each other again on the following day kesyo kailangan daw sulitin ang bakasayon ko habang nasa Manila pa.
At eto na ang pinaka exciting sa lahat, kinagabihan ay text ko sya kung tuloy pa kami o hindi na, at mula sa mahimbing na pagkakatulog ay naka received ako ng mensahe mula kay Mr.BPO guy na hindi daw muna kami matutuloy dahil bday celebration ata ng isa niya kapatid!
Haha I knew it ang mga ganyang tactics ay bulok na. Sana kung ayaw niya hindi na sana siya nakipag commit na makipagkita pa kinabukasan. And so I was disappointed.
Hindi ko alam kung nabagok ba si kuya mula sa mahimbing niya pagtulog o sinasadya niya magkaroon ng Anterograde Amnesia! Haha Bitter Much!
Pero Keri lang. Caredeads na kay kuya. Hindi naman siya ganun ka cute or kagandahan para suyuin at pilitin.
Tama rin ang ksabihan kung sino pa ung di kagandahan o kgwapuhan eh sila pa ung choosy sa mga panahon ngayon!
Haha. At dahil sa mga eksena ganito ay nadagdagan na naman ang mga traumatic issues ko with the BPO people. Ayoko na sa inyo!Joke. Peace be with u guys :)
I know a lot of my followers ay nasa BPO industry at may mga kaibigan din ako nasa BPO kaya hindi ko naman nilahat.
Pero sana lang naging totoo siya sa pagharap sa tunay niya saloobin. Next time ay mas magiging careful ako sa pagkilatis pa ng mga taong aking makikilala.
Thursday, November 10, 2011
Helang-Im Sick
Well im not feeling well because im sick for many reasons. Emotionally and physically sick. Ang hirap talaga magkasakit lalo na't malayo ka sa family mo. Na miss ko tuloy si Mama na lage nag worry para sken, at dahil ayoko naman na mag alala siya ng bongga for me, i opt not to tell her about my worsening allergy, napabayaan ko na naman kasi si allergic rhinitis huhu. Eto nag Augmentin bid ako! Sakit kaya sa bulsa ng 7 days regimen na antibiotic, and of course I don't want to buy generic medicines baka di ako gumaling haha! Kaya naman niresetahan ako ni dokie ng Antibiotic ng kalaban ko company, wala kasi kami drugs na antibiotic, more on consumer, diabetes, hypertension, thrombo, vaccines, and oncology ang kinakarir ni mother company kaya no choice but to use the brands of other company. I believe in their drugs naman but not on the products that they carry na kung saaan magkalaban kami which are the vaccines. Of course we are the innovator brand and no.1 leading company when it comes to vaccine industry. May hint na siguro kayo kung anu ang company ko hehe. Ang one of the advantage siguro ng paging member ng pharmaceutical industry aside from the free medicines and OPD allowance eh ung mga hingi hingi na samples sa mga kaibigan o kakilala ahente. Of course if u know a friend handling the products that u need for sure hingi ka na lang sa kanya para makatipid which is ginagawa ko haha. I usually ask for samples ng antihistamine sa mga friends ko na may hawak nito para naman di na ko bumili haha. Barat :)
Haha hindi ata sakit ko laman ng post na to kundi ang pharma side. Pero mahirap talaga magkasakit lalo na walang nag aalaga sayo. Kelan kaya may mag aalaga sken? hehe.
I hope u find your way and one time magkatagpo din tayo. Promise yan i'l show you what u deserve.
Btw Helang is a bicolano word for sakit. Wala lang one year na ko dito sa Bicol kaya tatao na ko mag Bicol :)
Tuesday, November 8, 2011
Bakit ako Nawala?
:)
Goodmorning again blogger friends. Magtaka siguro kayo kung bakit ako nawala for sometime.
At narito ang aking paliwanag sa biglaan ko pagkawala at ni hi ni ho wala man lang ako post dito sa blogger account ko ,
1. Pre-occupied ang aking isipan- yes marami bumabagabag na problema sa akin nooong nakaraang buwan, na halos wala ako kagana gana mag post dahil wala din pumapasok sa isip ko. Mahirap naman mag post ng kung anu2 na lang at baka langawin ang blogger ko at hindi niyo na basahin,just a joke hehe.
2. Sobra Busy- kung saan saan ata ako nakarating na lugar, nag meeting kami Laguna at nag training ng 2 araw, nagyaya ang aking mga kaibigan sa Caramoan na late ko na rin na ipost ang mga litrato kung inyong mapapansin. Masyado ko ata kinarir ang trabaho ko last month?
3.Qouta Month- Yes di kayo nagkakamali sa inyong nababasa I was able to hit my target last month. Super thankful ako kay God sa binigay niya biyaya at kahit panu nagbunga naman ang lahat ng paghihirap ng inyong lingkod.
4.Erratic Internet Connection- Isa na rin ito kung bakit siguro ako tinamad hindi kasi nagbabayad ng wifi bill niya ang land lady ko ayan tuloy ang tagal ko nawala haha. hinihintay pa niya kasi ung bayad ko sa rent para siguro mabayaran na rin niya ung bill na kung saan ay isa ako sa mga suki suki ng wifi niya hehe.
5. Tinamad lang talaga- kung minsan sa buhay nating mga writer hindi maiiwasan tamarin dahil wla ka ma ishare o maisip un lang naman and hopefully hindi na sana ako tamarin pa para tuloy tuloy na ulit ang aking pagsulat
O panu workmode na muna ako mga kaibigan abangan ang Part 2 ng aming adventures sa Caramoan Island
Monday, November 7, 2011
Caramoan Adventures Part 1
Oops naligaw ata ako! hehe biglaan lang po ito bigla ko naisipan magbalik blogosphere haha! Sana ay may mga nasurpresa sa aking pagbabalik :)
At katulad ng biglaan na post na ito biglaan lang din ang lakad na ito sa Caramoan, parang sa isang iglap nagising na lang ako nakasakay na pala kami sa bangka!
Pero good thing natuloy ito kahit biglaan mag 1 year na rin naman ako dito sa Bicol kaya kailangan mapuntahan na ang mga dapat mapuntahan na tourist spots para naman hindi ako masabihan na banyaga sa sarili nating bansa hihi.
At eto naman ay for your eyes only my dear readers, 3am kami umalis ng Naga City proper para makahabol sa earliest trip ng bangka to Caramaon Island. I so love the sunrise at talaga kinunan ko siya habang nakasakay kami sa bangka.
For 120 pesos na transportation 2 hrs kami nag travel from San Jose para makarating sa Isla ng Caramoan
Ang litrato ito ay kung saan ginawa ang huling challenges ng mga nagdaang Survivor sa isla. Im not sure kung anu bansa basta eto daw un isa sa mga natira nila alala ayon sa aming tour guide
Ang kauna-unahan kong pageksena ng posisyong planking! Haha. Gumaya lang ako sa friend ko na nag plank sa ilalim ng batuhan.
Isa sa mga birhen na isla sa Caramoan kung saan kami ng lunch napakaganda ng buhangin dito pino pino parang sa Boracay daw sabi ng isang kaibigan.
Syempre mawala ba ang jumpshot syempre hindi ayan at nagpakuha ang mga hayok. Gamit ang aking camera.
Our ultimate cave adventure sabi ng tour guide eh free na daw ang pag tour niya sa amin sa isla kung saan naroroon ang kweba mabato hehe.
This picture show a clear imitation of a crocodile kaya Crocodile Island daw ang tawag sa kanya.
Swimming moments with friends after eating lunch langoy mode na ang mga lakwatsero at lakwatsera.
Subscribe to:
Posts (Atom)