Sunday, February 27, 2011
When She Cries?
Anu gagawin mo pag umiiyak ang pinaka importanteng tao sa buhay mo?
Iiyak ka rin ba? O pipigilan mo ang emosyon mo para ipakita sa kanya na matatag ka.
This time hindi ko na naiwasan na pumatak ang luha ko sa harapan niya.
Pinakamasakit para sa akin ang makita siya na UMIIYAK dahil sa isang tao na hindi man lang inisip ang paghihirap na ginawa ng Aking Ina para sa akin.
Halos madurog ang PUSO ko sa sakit na naramdaman ng Aking Mahal na Ina sa mga oras na un.
Gusto ko magpakatatag para sa kanya pero hindi ko na maabsorb ang sakit na naramdaman niya, alam kong sa akin lang niya nasabi at nabanggit ang mga bagay na un dahil alam niya na papanigan ko siya,
YES Mama's BOY ako and I HATE MY FATHER A LOT:
for being so stupid
for being so careless and for hurting my Mom emotionally.
Galit at Poot ang naramdaman ko sa ginagawa niya sa Mama ko, hindi ko lubos maisip na after so many years of being okay maging ganito ang sitwasyon nila.
Parang gusto ko sumabog dahil wala ako iba magawa kundi umiyak na lang din habang kumakain kahapon,
Sobra sobra na ang hirap na nararanasan ni Mama ayoko na madagdagan pa ito.
Kaya lahat ng kaya ko gawin upang mabawasan ang sakit na naramdaman niya ay handa ko gawin alang alang lang sa kanya.
Pasensya na kayo sa mga nababasa niyo sa blog ko wala ko iba mapagsabihan kundi ang munting screen na ito na nagsilbi din shock absorber ko, hindi siya aangal sa bawat salita isinusulat ko.
I need to be strong and I need to fight for the right of Mom.
Hindi hindi ako papayag na patuloy niya sasaktan ang taong nagbigay ng buhay at nagpakahirap para ako ay maging ganap na nilalang sa mundong ito.
Saturday, February 26, 2011
Happy Sunday Morning
Iba talaga ang feeling if your in the comfort of your own home.
I know ma miss ko na naman si Mama pag alis ko kaya eto bigyan ko siya ng bongga bongga sunday treat.
Probably were going to watch movie at mag shopping na rin matagal tagal ko na rin ito hindi nagawa para sa kanya kasi more work work work na lang ang nasa isip ko lagi.
Syempre sino ang taya wala ng iba kundi AKO na bunso haha!
Panget pakinggan kung sino ung pinakabata siya pa ang taya hihi, No choice wala pa work ang masipag ko kapatid kaya cherish and enjoy the moment muna kahit masakit sa bulsa at least maenjoy nila ang aking presence for 2 days of stay here in Cavite.
At bukas nga ay balik Bicol na ulit ako...
Major Major task ang nagaabang pagbalik ko dun tsk tsk.
Bye muna for now peeps!
Enjoy your family day. I dedicate this day to my Mother. I love her so much!:)
Friday, February 25, 2011
Home Sweet Home
Yeah after 2 months of being away from my family and home Im back again!
Rest and Chillax muna after a tiring week of conference, straight 4 days ata ako nakaupo maghapon at habang nakikinig sa marketing programs.
Info overload. With the products I have in my hands. Uh-Oh Major Major tumbling talaga ang gawin ko for 2011.
Maiba tayo so much for work muna. I would like to share my 2 days of rest with my family. Probably baka lumabas kami bukas, at inaawitan na naman ako ni Mama.
At kaakibat ng pag uwi ko dito ang HUGE problem na naman. So to the rescue na naman ako dahil ako ang may kakayahan na tumulong.
May 2 days nga ako pahinga pero feeling ko katumbas lang siya ng 1 oras.
Bahala na nga si Batman! Enjoy na lang!:)
Tuesday, February 22, 2011
Excitement! Execution! Endresult!
Yes 3 days stay eksena ng company dito dahil National Sales Conference namin.
So why 3E's ang pamagat ng post ko tonight?
Excited ako kasi Im back in my hometown makauwi na din ako sa amin sa weekend at makita ko na rin ang aking pamilya after 2 months of being away in Bicol.
Execution dahil drive test ko kanina sa office, ang dami ko katoxican from arrival in Naia diretso agad sa office then meeting with our team and after that actual drive test ko na, pinaghandaan ko naman sya nag refresh pa ko sa driving school.
Confident na ko mag drive and I know how to drive carefully pero, mukhang hindi maganda ang result siguro dahil kinakabahan ako or what iba kasi ang feeling talaga daig ko pa ang nasa pressure cooker!
Inis at ang end result nga according sa nag drivetest sken i need more practice pa daw? Shitness! This means na hindi ko pa makuha ung car ko.
Halos gumuho ang langit at lupa sa balitang aking natanggap.
Life! Everything happens for a reason talaga.
And just a while ago nagkita na naman kami ni GM- General Manager and kinamusta ako ng paborito ko boss. Well siya lang naman talaga ang naghimok sken na bumalik sa company niya, at feeling ko bet na bet nya ako.
And Im thankful sa mga tao nakaka appreciate ng worth ko. Then she told me u want to have another test?
Will request another test for you ang sambit niya.
And there it goes, ipaalala ko lang daw sa kanya, sa trabaho naming laging nasa field service is a must!
Lalo na whole Bicol pa ang sakop ko. Uh-Oh mas mapadali ang tumbling ko pag nagkataon.
Im really hoping to get that Car. Matagal ko na siya inaasam at gawin ko ang lahat mapasa kamay ko lang siya.
Help me God.
Goodnight blogger peeps :)
Saturday, February 19, 2011
home sweet home
im so happy ilang tulog na lang balik makabalik na ulit ako sa City life haha!
Probinsyano much drama. Medyo hectic nga lang sched ko by Feb 22- 8:30AM dating ko Naia then diretso sa office namin sa Feliza Bldg in Makati Feb 23-26 Enroute to Cavite for our conferenceFeb 27- Rest modeFeb 28- Back to bicol.Feeling ko wala na ko time maglandi haha taena hirap mag post dito sa cp! Haha sorry wala na muna arte next time na pic hehe. Yngat peesp!
Wednesday, February 16, 2011
Is Disappointed!
Calm down lloydie! Hindi na naman maganda ang araw mo. Yes sira sira nga ito!
Panu ba naman excited na excited much ako sa pag check ng email ko when i got home from work, pinadala na kasi ng office ang ticket ko next week, Tuesday to Manila.
National Conference kasi, at gawin ito sa Island Cove few kilometers away from our town lang!
Excited ako kasi makauwi na ako sa bahay namin! Pero nung tingan ko na ang details ng flight ko,
Aba! Pinapabalik agad ako ng Saturday which is February 26,2011!
Kakagigil nagusap na kami ng boss ko regarding my flight schedule pero mukhang hindi malinaw ang usapan namin,
dapat sana ay mag leave ako ng Monday Feb 21 para early flight ko at makapagpahinga pa ako sa bahay before conference,
pero hindi ako pinayagan ng boss ko ang sabi niya payagan niya ako after ng conference pwede ako mag extend tapos eto bungad sa ticket ko,
Feb 25 last day ng conference pinapabalik na agad ako dito sa Bicol ng Feb 26?!
WTF!!! Anu to lokohan?!
Gerahin ko si boss bukas.
Kakagigil! Kakainis! Kakahighblood!
Pasensya na sa post na ito I just want to express my disappointments sa kanila.
Dedicated ako tao sa trabaho pero wag naman sobra sobra feeling ko nawala ang freedom ko towards life!
I know na nasa Probationary period pa lang ako pero may karapatan ako na mag leave at magpahinga naman.
Stress na naman ako hayy sila kaya mag area dito sa Bicol try nila kung mag enjoy sila!
Badtrip talaga stress na nga ako sa mga dokies ko stress pa ko sa mga boss hmfp!
Monday, February 14, 2011
Dinner Date @ Biggs
Oh happy Singles Awareness Day to All the Singles in this world.haha bitter ko talaga.
Share ko lang ung ka date ko kanina she is from the competing company pero di ko naman siya talaga competitor kasi from the Derma Division naman sya kaya okay lang. hihi.
At alam niyo ba si Girl ay classmate ng EX ko na taga UPLB haha. What a small world na lang nasambit ko ng nalaman ko blockmate niya si JC ung ex ko.
While ka batchmate naman niya sa training ang isang friend ko na nurse from FEU.
Thankful ako kahit panu nakilala ko siya im not alone today. May jowa si Girl kaso far far away din nasa Manila kaya sabi namin cge tayo na lang dinner date! Pak! Palo Palo para lang kami mag jowa kanina kulang na lang HHWW lol.
At nakatuwa ang Valentines dito sa Legaspi super effort ang mga resto at fast food sa mga magsisilamon na lovebirds.
Pinaka umeksena ang Greenwich at may live Singer pa talaga naman to the MAX ang gimik haha.
Sa BIGGS lang kami kumain ni Girl dahil punuan sa lahat ng resto. Sweet niya hinatid pa niya ko sa Hotel kasi may oto siya ako wala pa haha kahiya much!
Happy Hearts Day ulit!
Katayan Week na naman saan ako kukuha ng benta? Harhar!
Pray for me blogpeeps.
Goodnight :)
Sunday, February 13, 2011
Pre-Valentine Date with GOD
Hi blogpeeps! Im definitely back, early ang dating ko sa Legaspi kaya unlimited wifi ulit. Im with a friend help him drive his new car from Naga to here. Like me new driver din siya kaya he ask me a favor if i can go with him today and I say YES. Hirap humindi sa kanya, super friendship kasi eh, kaya ayun!
Safe and sound naman kami nakarating ng Legaspi matagal nga lang ang byahe at careful kami sa daan.
Mag 6PM na ko nakapagcheck in sa Hotel, then went to the nearest church, and as usual Bicolano language ulit ang mass huhu:(
Epistaxis na naman ang drama ko. Pero goodthing nag english si Pader at updated siya sa mga latest dahil mag Valentines na ilan humirit siya ng mga Cheesy jokes habang nag sermon ilan sa mga ito ay ang ss:
1.Bombilya ka ba?
You light up my life kasi!
2.Dictionary ka ba?
You give meaning to my life!
3.Pustiso ka ba?
I can't smile without you! haha
at marami pa iba kahit panu nag enjoy ako sa misa ito kahit hindi ko maintindihan ang salita nila.
At nakatuwa kanina I text my counterpart sabi ko sabay kami bukas sa area, sagot hindi daw siya papasok magkasama sila ni misis niya.
And I almost forgot VALENTINES DAY na pala bukas haha!
Bitter ko kasi wala naman ako dapat i celebrate dahil wala ako partner. haha.
Wala kasi nagyaya kaya ok na siguro ang date ko with GOD today.
With muching dinner @ Binalot infairness mas mura ang meals nila dito compare sa Metro Manila Branches.
Wooh life in the province, less pollution, low cost of living but Im definitely away from my Family.
Uh-Oh Nostalgia!
Abangan ang aking pagbabalik sa Manila malapit na.
HAPPY VALENTINES DAY sa lahat!!!
Thursday, February 10, 2011
Si Ginoong Bicolandia
Ako’y muling nagbalik upang mag share at magkwento ng aking mga karanasan nitong nakaraang araw. Busy mode naman as always during Monday to Friday less internet connection pag nasa Naga wala wifi unlike sa hotel sa Legaspi meron kaya mas happy ako pag nandoon ako lol.
Lately ay nagiging mainit na ang panahon dito sa Bicol, I can feel the heat!!!
Ayoko maging nognog na naman kaya more silong more kung saan meron masilungan pag mga banding 1-4 PM kainitan na mga oras.
At ngayong lingo nga ay nagging mainit na topic ng mga beki ito si Ginoong Bicolandia daw kuno na ahente ng isang kilalang local company dito sa Pinas. Matipuno siya maganda ang katawan mukhang nag gym si Kuya with muching braces pero ang face di gaanong attractive mas cute pa ata ako sa kanya lol (pagmamayabang) maganda lang talaga ang katawan niya pero hanggang doon lang siya! At anu nga ba ang meron at naging talk of the town siya.
According to pamen and beki friends hindi daw ito nakikipagusap sa mga lantad and mga may 10dency, in short galit siya sa kapwa niya, at napatotohanan ko ito dahil he never talk to me kahit na magkatabi kami nag hintay sa doctors clinic. Keri lang pero naamoy ko sya much at talaga naming nangamoy lochia ang surroundings pag around siya.
Graduate daw siya ng UP kuno, at sumali nga siya sa Ginoong Bicolandia at nanalo ba hindi ako sure sa kwento ng isang friend.
So much for him.
Sa malalandi ko naman may bago ako housemate newly grad lang from Batangas and he is HOT!
Super like! Kaso may gf na. Pero okay lang may pagasa pa maging close kami dahil baguhan siya ay kaylangan niya ko para magtagal siya sa pinasok niyang business may pagka isip bata nga lang pero laman tiyan din ito haha.
Landi na naman!
Tama na nga TGIF na lang muna blogpeeps!
Salamat at nakapag blog ulit!
Lapit na ang Hearts Day. Wala pa ko ka date haha. Anyone?!
Thursday, February 3, 2011
Lost in Sorsogon
I really believe in the Law of Attraction.
Once you think negative things towards life, everything else will be negative and vice versa.
So kanina nga nangyari na ang kinakatakutan ko sa lahat, nasiraan sa gitna na masukal na daan ang sinasakyan ko GT Express! Harhar.
Ang lakas ng kutob ko bago umalis ng terminal na magkaprob ang sasakyan dahil tinitingnan ni manong driver ang ilalim nito. Lalo ako naging paranoid!
Buti na lang may dumaan na bus at transfer dali dali kami mga na stranded. 48 years pa naman bago dumaan ang next bus kalurkey sa lugar na un haha.
At nung nasa bus na ako laki gulat ko may nakita ako grupo ng mga native boys na naligo sa batis ng walang saplot. chos. este naka brief lang sila lahat at enjoy na enjoy ang mga mokong habang nagsasabon at nagtampisaw sa malamig na tubig sa Ilog.
Nung nakita ko sila parang gusto ko bumaba at kunan sila ng litrato o di kaya'y maki join sa kanila haha. Landee much!
Tama na sa kalandian trabaho na haha.
At drama na ang kasunod...
keri lang part of the job ang maligaw, pero ang mahirap kasi eh ung language barrier
natives here dont speak tagalog much so ako naman...
huh? anu po? I do understand some words pero ung iba malalim na words causes my neurons to bleed hay.
Tulad kanina I said dalhin ako sa MMG Hospital tapos iba pala ang tawag nila dun sa Hospital na un SORGO pala!
At ang iba tricycle driver hindi alam ang clinic ng ibang doctor.
Gosh!!!
Sabi ko sa sarili ko taga dito ba itong mga ito at hindi alam ang lugar nila.
Sorry for the word pagod na pagod ako sa travel at work ko ngayon, tapos bagsak pa ang calls ko dahil convention ng mga Pedia dokies sa Manila.
Calls- refer to our visit to each target MD's.
Buti na lang wala paramdam si Boss ngayon less ang pressure and toxicity. Busy ang aking tatay sa admin works.
TGIF. Last day ulit dito sa Legaspi City then back to home base Naga City.
I hope everything will be okay by tommorrow.
Wednesday, February 2, 2011
1000 Peso Bill
Sobra lamig dito sa Albay feeling ko magkasakit much ako sa hangin ginaw na ginaw ako while waiting for my counterpart Paul, I salute this man sobra concern for me sinundo pa talaga ako sa mall dahil wala pa ako kotse. Siya lang ang nagparamdam sken ng ganito haha drama.
Oh wag magisip ng kung anu anu at si Paul ay pamilyado na tao. Mabait lang talaga ito senior ko na ito. Almost 15 years na siya sa company kaya parang boss ko na rin siya :)
And while were on our way sa parking Oh-Uh!!!
Laki gulat ko I saw 1,000 Peso Bill na nakatupi at dali dali ko pinulot, sabi ko ui Paul sayo ba ito?
So check niya ung wallet niya and to find out na hindi sa kanya un, meaning may nakawala ng 1,000 peso bill na napulot ko.
Shet di ko alam kung matutuwa ba ako sa napulot ko o malungkot kasi alam ko ang feeling ng nawalan.
Kung nabasa niyo at nasubaybayan ang aking storya sa Social Stigma isa ko blog ay mabasa niyo doon na nawalan ako ng company phone na worth 6K. Total Lost. (Hindi ko na naupdate ang blog ko na to busy kasi eh. I decided to focus lang dito sa Pluripotent Nurse.)
Kaya alam ko ung pakiramdam ng nawalan.
Iniisip ko tuloy kung anu gagawin ko dun sa pera kasi for sure hinahanap na un ng may ari. Pero paano ko naman siya isauli diba.
Alangan naman mag punta pa ko sa Radio Station at i plug na may napulot ako 1K. Mamaya kung sino sino pa ang mag claim nun.
Katapos tapusan I decided to keep it muna sa wallet ko at hindi ko galawin.
Feeling ko tuloy nakonsensya ako at ako ung nakapulot nun. Maituturing ko ba blessing of the day un? Parang hindi talaga.
Ang vague ng feeling much :(
Tuesday, February 1, 2011
The Unexpected Review
im posting again hihi! May wifi connection ulit courtesy of Sampaguita Tourist Inn :)
We went to Albay towns kanina ni counterpart Paul (handling Approvel) along the way we were able to cover this female family physician na smarty makipagusap, entertaining at maypagka intrigera ang lola niyo!
Inuuna talaga niya kami mga reps before ang pasyente niya hihi. VIP's daw kami lol.
Pero bihira ako makatagpo ng doctor na ganun kadalasan ang mga pa importante dokies eh inuuna talaga mga pasyente.
Patient first kumbaga before MedReps which is understandable naman dahil kung wala ang consumer, wala kami haha.
Ang dami query ni dra. katapos tapusan sa pricelist kami natagalan, until I gave her the list of my products tuwa tuwa sa galak ang lola niyo when I showed her the list.
Very creative...Very resourceful and complete daw! So ang inyong lingkod eh smile much inside extra mile kay dokita not to mention na nasa likod ko ang mga taga Pfizer though hindi ko sila competitor pero malaki ako abala sa pakikipag communicate nila kay Dra. Akoy balakid haha!
at may pagka echusera talaga ang matandang doctora na ito paki alamera sa may buhay ng may buhay. Pati educational background ko inaalam so with all might and due to respect I told her that I am a graduate of BSN and a duly RN from the University of Perapetual este Perpetual Help pala haha.
and she told me alam mo sayang ka bakit hindi ka mag practice. take some experience in the hospital and you'll see ang sabi ni Dra. para bang ayaw niya ko sa field na ito. Pero keri lang sabi ko nag enjoy pa ko haha.
Next stop...
Echuserong RHU dokie. 50 years old na ang lolo niyo pero bright pa rin.
at eto na ang pinaka matindi sa lahat I got an unexpected review of Anatomy and Physiology plus Greek and Roman Myth from him.
So windang much ako sa ginawa ng matandang ito ng nalaman na BSN.RN ako hayy!
Sinimulan sa name ng virus na na nag cause ng Rabies, causative agent ng tetanus, muscles that makes the person with a dog smile, medical term for lockjaw, other signs of tetanus, gland that secretes insulin, name of the cells responsible to it's secretion, the hormone that is responsible for the cause of Diabetes Insipidus, the gland adjacent to the liver connected via the churvaness.
hayy dami tanung ng doctor na ito! Gutom na ko kung alam niya lang pero the good thing their eh nasagot ko lahat ng katanungan niya.
at may pahabol pa, nagtanung pa about Mythology haha doc too much na ang pagpapahirap niyo sken ang dami niyo patient na nagiintay at nakikinig sa usapan natin.
Sobrang exposure na ito! hihi.
And ang sarap ng feeling ng pinupuri ka ng may mas mataas na pinagaralan.
Kesyo karapat dapat daw ako maging medrep very good daw.
Sa isip isip ko Tse Doctor! manghingi ka lang ng ballpen eh haha.
Lakas na naman ng hangin here in Albay! Goodnight blogpeeps!