Monday, December 19, 2011

Reasons why I LOVE Bicol

My first time in Bicol Legaspi Airport overlooking Mayon Volcano
                               
CWC welcomes me in the Heart of Bicol 
                                      
One of the Biggest Local Food Chains in Bicol 
                                       

Our Lady of Penafrancia 
KSARAP Restaurant in DAET, Camarines Norte 

Embarcadero de Legaspi 

Cagsawa Ruins in Albay 

Thirdee my Car 

Taken at Naga-Pili Airport 

Hydro Hot and Cold Spring in Panicuason 


My favorite Italian Restuarant in Tabaco City 


Sunday, December 18, 2011

RUN for LIFE

Camarines Sur Medical Society held it's annual year end run with this Run for Life program to feed the undernourished children, and because most of my doctors were members of the Society go for the Silver ang drama ko, this is my first 15K run and first time ko rin nagkaroon ng pangarap ko medal sa pagtakbo haha ang babaw ng kaligayahan ko pero for me this is a big accomplishment na kahit na wala ako masyado practice for the past few days na na manage ko pa rin na matapos ang 15Km. kaloka kaya haha. at narito ang aking mga larawan pagkatapos ng 1 hr and 45 minutes na takbo not bad for a first timer.




Im with one of my doctor. 

                                                        
                                                 Oh I love this picture natapos ko ang 15K

  
                                                       Ang medal na aking inaasam asam                                                          


At next year ay binabalak ko naman na sumali na sa 21 K run haha wish me luck friends alam ko kaya un at may ibubuga pa ako. I just need more practice more fun! haha.

Thursday, December 15, 2011

Tatak PINOY

Tayo mga Pinoy ay unique marami tayo bagay na maipagmamalaki at maipagmamayabang sa ibang lahi. At narito ang ilan sa ating mga tatak na kapag narinig ng ibang tao ay malalaman na PINOY ka nga!

  1. Brand Mention- nasanay ka na itawag ang isang brand para sa lahat ng generic halimbawa na dito kung bibili ka sa tindahan softdrinks. Sabihin mo pabili ng Coke pero ang hinahanap mo pala ay Pepsi. Bibili ka ng toothpaste sabihin mo Colgate pero ang hanap mo naman pala ay Close-Up haha kulit!
  2.  Tabo User- yes malalaman mo pinoy ang isang tao kung naghahanap ng tabo sa CR, karamihan sa atin ay nagahahanap ng tabo dahil hindi tayo sanay gumamit ng shower haha! 
  3. Souvenir Getlakers- sorry for the word oo mahilig tayo mag uwi ng mga souvenirs na galing kung saan saan, isang halimbawa na dito kung mag check in ka sa Hotel, Pinoy ka kung kuhanin mo lahat ng toiletries including shampoo, conditioner at kung anu mga anik anik na pwede iuwi ng wala bayad haha
  4. Street food Maniac- mahilig tayo kumain ng mga street foods including isaw, dugo, balot, penoy. kwek kwek at kung anu anu pang makita sa daan na mga pagkain ay talaga namang tikman natin ito. 
  5. Telanovela Supporter- aminin na natin na minsan ay nahook din tayo sa mga telanovela not just local pero pati mga Mexican, Korean novela ay tinangkilik din natin. Halimbawa na lang ay ang Marimar at Jewel in the Palace ilan sa mga talagang sinubaybayan ko noong ako ay bata pa haha.
  6. Text and Internet Addict- kilala kilala tayo bilang isa sa mga lahi na mahilig mag text at mag internet kaya wala duda talaga na lagi tayo nanalo sa mga patimpalak ng kung saan may voting tru text or tru online! 
  7. Pocket Book Reader- hindi ko hilig magbasa ng mga pocket books pero halos lahat ng kakilala ko mga kababaihan nahook ata sa mga pocket books. I dunno if this is similar to your experience pero in my case lahat ata ng nakakasalamuha ko including my ate ay mga tunay na Pocket Book Reader.
  8. Mahilig sa Libre- haha eto talaga hindi ko itanggi mahilig din ako sa libre, libre mo ko dito libre mo ko doon. Naalala ko pa noong college ako first time ko nakainom ng Kape sa Starbucks dahil sa Professor ko haha. 
  9. Bago pag may Bisita- isa ito sa katangian ng mga Pinoy na sa tuwing may okasyon o may bisita ay doon lang natin ilalabas ang ating mga bagong gamit haha sad pero hindi ko alam bakit ganun ang nakasanayan ng karamihan sa atin. 
  10. Mahilig Mamasko- haha at dahil pasko ayan eto ung last entry ko mahilig tayo magbahay bahay sa mga Ninong at Ninang natin. Naalala ko pa noong bata ako na talaga puntahan ko lahat ng mga may utang sken para lang kumita ng mga malutong na pera haha! Pero syempre ngayon malaki na ako ay ako na ang dapat mamudmud ng pera haha :)
Ikaw Pinoy ka ba? May naisip ka pa ba na iba TATAK nating mga PINOY?

Welcome po ang inyong mga idea at comment. 

Tuesday, December 13, 2011

Parade of Stars in Naga

Ganito po kami sa Naga pag pasko may mga patimpalak ng naglalakihang bituin na kung saan ang bawat brgy ay nagkasundo na gumawa ng mga not so big na shining shimmering splendid na mga parol na talaga namang pukaw ng iyong mga mata sa gabi. Narito ang ilan sa mga parol na aking nakuhanan kayo na lang ang maghusga kung anu ang pinaka the best.



Ang pinakamaganda at pinaka bongga sa lahat ng parol na gawa ng mga taga Brgy.SABANG







At ang nanalo para sa akin ay ang pang apat na larawan napaka husay at napaka linis ng pagkakagawa pati ang konsepto nito ay talaga namang pinagisipan at pinagkagastusan. Nakakamangha ang mga tao dito na sa kabila ng mga pagsubok sa buhay ay naisip pa rin nila na gumawa ng ganitong patimpalak na talaga naman nakakaagaw ng attensiyon ng bawat taong dumadaan.

Sunday, December 11, 2011

Birthday Gift

Tanggap ko na ang realidad at kasabihan na "kapag swerte ka sa career ay malas ka naman sa lovelife"
Oh this is it ang matagal ko na hinihintay na regalo ni Mother Sanofi, nakuha ko din siya after six months of long waiting haha! Parang Christmas Gift na rin pero bukod dito syempre my bonus and all pa rin kami nakuha. I can say na masaya ako ngayon last quarter of the year. Marami nangyari sa aking buhay na hindi ko na i share dito dahil sa kabusyhan at katoxican sa katawan or should i say minsan tinatamad lang talaga ako magsulat at mag share ng mga happy at sad moments kaya i choose to be in a silent mode na lang siguro, lately talaga nawala ang motivation ko to write. Pero don't worry promise ko sa sarili ko na mag share ako ng more stories by next year, gusto ko kasi lagi may actual photos ako na share sa inyo para hindi lang puro stories hehe. Basta isa lang ang malinaw sa ngayon kahit wala ako lovelife masaya naman ako kasi marami ako pera! Haha joke. I pray to God na sana ay mahit ko ang quarter budget ko para more money more fun ako sa pag pasok ng 2012.