Monday, May 30, 2011

I Had a Bad Day!



Umpisa umpisa ng linggo ang dami kamalasan agad ang aking natamasa! ang bilis talaga ng Karma!

Nakarma na ata ako sa mga kasalanan ko nagagawa huhuhu :(

Umpisa na kanina ang pagkatok ng housemate ko ng walas habas sa pintuan habang nasa kasarapan ako ng pagtulog. May 1 hour pa ko dapat na itulog pero dahil sa pagkatok niya ay nabulabog niya ko ito ay sa kadahilanang labas ang mga nakapark na sasakyan sa apartment at nakaharang ang sasakyan ko sa drive way!

Lesson learned wag iharang ang sasakyan sa may drive way para di maistorbo sa pagtulog!

At nasundan pa ito ng pagka out of stock ng isa core product namin na mabenta pa naman, hayy magbunyi na naman ang kalaban at mag fly ang product nila.


At dahil dyan ang dami nagcancel ng mga orders! Ka stress! ]

Pinakahuli ang pinaka nagpasama ng araw ko, binangga ng isang pedicab ang sasakyan ko habang naka park sa labas ng apartment, shetness! at nagasgasan ung lower part niya plus may iniwang mark na pintura ng pedicab at bata lang naman ang nag drive nito!

Shet napamura talaga ako!

At kinausap ko ang tiyahin ng nakabangga at sabi ipapayos daw nila may business ung family ng bata at mukhang may kakayahan naman mag pagawa pero kahit na kung hindi lang nila pinabayaan ang magaslaw na batang un hindi sana nagasgasan ang kotse ko.

Hay life puro kamalasan naman! :(

6 comments:

EngrMoks said...

nakanang ang malas...yaan mo may panahon na swerte naman ang isnag araw mo. lels

PluripotentNurse said...

@ Moks sana bukas ay puro swerte naman. Hoping :)

Pong said...

Pagsubok lng yan :)), go lng ng go...

Diamond R said...

Akala mo lang malas pero blessing in disguise pala ito. Kung nag cocomute ka malamang walang gumising sayo dahil walang nakaparadang kotse at wala ring magagasgasan.

Kung kayat Ok lang yan.ang ganda naman ng kotse mo.
Yong out of stock, para maghinay hinay lumalaki na masyado ang binta mo.baka wala ka ng mapag lagyan ng commision.

wala lang nangulo lang.

marhay na bangi sa imo manoy.

heyoshua said...

ika nga ni binoy "think positive,walang aayaw!" :) makikiraan po :)

PluripotentNurse said...

@ Pong Pong tama thanks!:)

@ DR salamat sa iyong mga payo at naliwanagan ako sa mga pangyayari.

Marhay na banggi din sa imo hihi :)

@ yehosue thanks sa comment tama stay positive dapat!

thanks sa pagdaan :)