Monday, May 9, 2011

I feel so Empty


Hi peeps buhay pa ko after the bagyong Bebeng!

Kahit na signal No.2 dito sa Bicol Region, my first typhoon ang patikim ni Inang Kalikasan, grabe wet na wet ang weekend ko! Saturday and Sunday sa apartment lang ako at worst waley ako makain dahil ubos na ang stocks ko pagkain.

Pero mabait talaga si God he will make a way para di kami magutom ng mga housemates ko, nagluto si Tita Alice ng pansit with muching tinapay pa dahil Mother’s Day kahapon, busog na naman kami mga PG! lol.

Btw I want to greet all the mothers out there ng belated Happy Mother’s Day! Syempre included na si mudra dun, nagreet ko na sya kahapon pa.

Kaso may nangyari din palang hindi maganda yesterday namatay na ang 10 year old ko aso si Mosh Mosh. RIP my dear aso huhu. Kaya pala matamlay na siya noong huling pagkakita ko sa kanya, lungkot na lungkot din sa madder dahil si Mosh Mosh lang ang palagi niya kasama sa bahay pag wala kami ni Ate ko.

Hayy masakit din pala ang mawalan ka ng minamahal mo aso!

At kanina nga ang dami dami ko pagod, dahil sa mga pinsala ni Bebeng sa daan, ang taas ng baha sa way ko papunta Legaspi kaya’t hindi ko na tinangkang ilusong pa si Moy? Pangalan ng sasakyan ko hihi. May mga by standers dun na willing magtulak at patayin ko na lang daw makina para hindi pasukin ng tubig, pero nag stop muna ko for a while at nag isip isip kung itutuloy ko ba ang desperadong daan papunta Legaspi, pero katapos tapusan nag U Turn na lang ako at bumalik sa Naga!

Sobra pagod na pagod ako almost 2 hours ako nagbyahe at sumakit ang mga tuhod ko talaga ( OMG signs of aging?)

At marami pang nangyari mga events pagbalik ko Naga!

Hay buhay driver! Nakasawa din pala mag drive? (Ambivalent much)

Pero bakit I feel so empty? Nakikibagay talaga ang panahon. Seasonal depression ba ito?

Kasi may kulang talaga! Na miss ko na sobra ang magbigay ng love at mabigyan ng love in return.

Emo na naman ako tsk tsk!

9 months na ko single! And I hate it!

Hanggang kelan kaya ako mag hintay?

4 comments:

MOKS™ said...

Angbusy ng weekend mo parekoy, sorry for ur lost (mosh mosh) at mabuti okay kayo dyan kahit hinagupit kayo ni bebeng. Belated happy mother's day din sa mom mo.

Demonyitong Promdi said...

Nice to hear na nothing serious happen to you and your province during "bebeng"..don't worry mosh2 is in dog heaven now..

Kyle said...

search for love na, dont wait for it. :)

PluripotentNurse said...

@Moks sobra busy talaga kaya minsan na lang makapag post, yes sobra ko mamiss ang aso ko huhu. Happy Mom's Day din sa mom mo.

@Demonyitong Promdi salamat safe naman ako. Hay mas affected talaga si mama sa pagkawala ng aso ko.

@ Kyle im searching for it na kaso wala pa rin eh hay! Di ko makita :(