Friday, April 1, 2011

The Fun Game: Bring Me!



Im back home! Kaso isang araw lang ako mag stay dito house namin dahil tom morning balik Metro na ulit para sa practice namin sa Sofitel excited na ko hihi.

Bukod sa mga bagay na nabanggit ko anu pa ba ang naka excite saken?

Mababaw lang naman kaligayahan ko un ay ang makasakay lang palagi sa airplane joke hihi. Ang totoo excited ako sumakay lagi sa CebuPac dahil sa FUN GAME nila na BRING ME. Una unahan syempre pero dahil nasa eroplano raise your hand na lang ang mechanics ng bring me.

Last time na i share ko na rin dito sa blog ko na nanalo ako ng souvenir sa game na ito, 2 times ako nanalo hihi. Reason : kasi puro mga foreign nationals ang kasama ko sa trip na un at talaga deadma sila dito sa game na ito kalurkey.

Pero kanina naka disappoint kasi wala ko nakuha souvenir kahit isa! Shetness inis kasi hindi ako nag almusal kaya wala energy hihi.

At ang isa pa dahilan ay puro PINOY ang kasama ko sa eroplano papunta MANILA.

Kanina ko lang na realize na ang mga Pinoy talaga mahilig sa premyo. Matindi ang pangangailangan na gawin ang lahat manalo lang at makapaguwi ng kahit na anu libre haha.

Kayat paghahandaan ko ulit ang game na ito pagbalik ko ng Bicol kailangan may mukha ulit ako prize lol!

Happy weekend peeps. Excited na ko bukas sa Sofitel event namin. Goodluck to me :)

8 comments:

Luis Batchoy said...

hahahaha nakakatuwa ka naman. Madami dami na rin akong CebPac souvenir. The last one I got was a pill dispenser from a Centrum. Made me realize why I should be thankful. Wala pa akong iniinom na anything regularly. Hehehehe.

hard2getxxx said...

isang price lang nakuha ko sa cebu pacific di nasundan kasi di ko type ang giveaways nila except lang yung stewardess LOL!

Diamond R said...

di ako manalo sa ganyan. may mas mabibilis talaga. pinaghandaan siguro.

PluripotentNurse said...

@ Luis batchoy haha salamat nakatuwa kasi fun game talaga teka medyo may hidden message sa comment di ko lang sure kung anu haha.

@ Hard haha ako din isa pa lang kainis kasi mga pinoy ang bibilis pagdating sa libre lol.

@ DR naku mga pinoy talaga haha mahilig sa souvenir items :)

pongpong pagong said...

hehehe, ang competetive lng ata talga ng mga pinoy :), daan ka sa skul minsa, ay baksyon na pala wala ka din pla madadatnan sayang..

enjoy your stay :)

charles said...

Nanalo na din kami jan. Pabalik na kasi from Palawan tapos ang pnadala nila ay 'yung pinadala din nila nung papaunta kami Palawan. haha

And 'yung iang foreigners, oo nga, walang pakialam haha

tabian said...

naks! kinacareer ang bring me games..hehe good luck sa susunod, sana ay manalo ka ulit! :)

OT: First time kong gumala dito. Looking forward to more great posts. :)

PluripotentNurse said...

@ Pong haha tama ka dyan! Lols natawa ko dun talaga wala dahil holy week na rin hehe :)

@ Charles mga pinoy nga naman mga aktibo sa mga ganitong sports lol.

@ Tabian yes karirista ako ng mga ganitong laro lol. Hehe thanks for dropping by :)