Wednesday, April 27, 2011

The Green Day!



Yesterday after a long day of traffic around the City of Legaspi I went to Pacific Mall ang pinakapuntahan ng mga turista here in Legaspi City, syempre hanap muna ko ng magandang spot sa parking lot - give me space ang drama ko! haha.

I hate parking in between cars nahirapan pa ko to be honest haha. Takot ako makabangga ng iba sasakyan mahirap na wala ako pambayad haha!

And there you go successful ang pagsingit ko sa 2 naka tagilid na sasakyan hihi.

Then I had my dinner sa Graceland one of the local fastfood here in Bicol. Ang tagal ng order ko almost 30 minutes magsarado na ang mall wala pa rin, maaga kasi magsara ang Pacific Mall. 8PM pa lang sarado na agad mga stores.

Last stop Bench to buy a generic body spray, dun ako bumili kasi andun ung crush ko haha. Ang landee ko talaga everytime I visit Legaspi I see to it na nakita ko sya palagi. Daig ko pa makahiya lol :)

And to my surprise upon paying in the cashier. Bigla umenter si Ate Cashier.

Cahshier: Sir today is a Green Day and we have a fee for every plastic. One peso lang naman.

Ako:Huh kelan pa nagkaroon ng ganyan? Haha at umiral na naman ang aking kakuriputan, Ampf I told her eh panu kung hindi na ko kuha ng plastic?

Cahshier: Pwede naman po sir as long as my resibo.

Ako: Ah okay sige wag mo na lang lagyan ng plastic sabi ko haha.

Sa isip isip ng cashier ang kuripot naman ng tao to naka corporate attire pa man din ako kagabi haha!

Pero hindi ko kasi alam ang greenday na eksena nila every Wednesday, hindi maganda ang pagkaka register sken haha.

Siguro may purpose sila kung bakit sila naniningil ng piso.Buti kung i donate pa sa Green Peace ung singilin nila pwede pa kaso hindi nila na mention kaya caredeads na lang lol :)

9 comments:

Axl Powerhouse Production Inc, said...

whahaha.. pambihira... dapat support the green day..

hard2getxxx said...

pareho tayong kuripot hahahahaa

MOKS™ said...

buti pa dyan may ganyang ipinapatupad...sana buong Pilipinas ipagbawal ang paggamit ng plastic at straw sa mga softdrinks...

PluripotentNurse said...

@ AXL hindi kasi clear ung campaign nila kaya caredeads na lang haha!

@ Hard kuripot or thrifty lang? hehe.

@ MOKS un nga eh haha para more support for our Mother Earth :)

tabian said...

may ganyan din ang sm pero meron na din pala sa bench?
henyways, kuripot din ako pwera sa pagkain..hehe

-mark- said...

napaghahalataan na mukha silang pera,haha, ang sm malls every wednesday is greenday,and sa grocery nila, instead of plastic, nilalagay nila sa paper bags.iyon ang tunay na nagpapahalaga sa earth, kung ako ang bumili jan sa bench na iyan, ssabihin ko sa cashier, ok tomorrow na lang ako bibili at ibabalik ko ang product,hindi sa kuripot ako kaya lang sa paningin ko mukha talaga silang pera.hahaha

Diamond R said...

di ko ma get yon style nila pag bibili ka at gagamit ng plastic magbabayad ka ng peso. if they care sa invironment bakit meron silang mga plastic pa.

sorry di ko talaga maget digumagana ang utak ko ngayon.

doon lang ako sa auto mo wow. Ingat na lang sa pagmamaneho.

green breaker said...

haha. natawa nmn ako. but it's to give people an initiative on using REDUCING plastic use while promoting REUSE of shopping bags.

PluripotentNurse said...

@ Tabian uu nga eh parang dito lang sa branch nila sa Legaspi may ganitong eksena! Tama ako din wag lang sa pagkain hihi.

@ Tama kaya ako i decided not to pay for it. In the first place hindi ko naman obligasyon na bayaran un,nagkataon lang na kaylangan ko talaga ung bilhin ko that night, mukhang pera talaga sila!

@ DR ewan ko din nga sa kanila naguluhan ako sa pakulo nila. Hehe thanks don't worry responsible driver naman ako :)

@ Green Breaker sana kasi they use the paper na nga lang di ung obligahin pa nila ang tao na magbayad for that plastic.