Thursday, December 23, 2010

Worth the Wait


MOST REV. LUIS ANTONIO G. TAGLE, D.D

First time ko mag attend ng Misa de Gallo kanina ng sobrang aga dahil malamang punuan sa Simbahan.

Special kasi ang araw na ito dahil ang mag lead ng misa ay walang iba kundi ang mahal na Bishop Luis Antonio Tagle from Diocese of Imus.

Matagal ko na siya gusto makita ng personal at makinig sa kanyang mga sermon napanood ko lang siya madalas na nag homily kalimitan sa TV o sa Internet.

At kanina nga ay nasaksihan ko na siya. Alam ko hindi ako aantukin dahil masigla siya mag sermon at talaga naman may laman ito.

Nag focus syempre ang misa tungkol sa simbang gabi at bakit nga ba 9 days ito at hindi 7 or 8 na lang.

Ayon sa Obispo 9 days ito dahil sa 9 months din dinala ni Maria sa kanyang sinapupunan si Jesus. Tama nga naman si Bishop at bigla ito nagbiro na kung hindi niyo ito makumpleto ay premature ang maging kalabasan ang biro niya at bigla napatawa ang mga tao sa loob ng Simbahan.

Ikalawa punto niya ay tungkol sa text ni Jesus Christ kay Santa Claus, nagtatampo daw si Jesus dahil mag sikat pa si Santa Claus tuwing kapaskuhan tama nga naman siya mas marami ka makita imahe ni Santa Claus sa kung saan saan. Samantalang nakakalimutan na ng mga tao na si Jesus ang dapat na maging sentro at simbulo ng bawat pasko.

Ikatlo ay pakikinig niya sa Radio Station na may portion kung saan ay nag survey ang DJ kung anu ba ang mas pipiliin ng karamihan kung :

Kwarta ba o Kahon?

At siyempre anu nga ba ang pipiliin ng karamihan siyempre Kwarta! Ang himutok ni Bishop bakit kailangan Kwarta o Kahon lang dapat pagpilian samantalang si Jesus naman dapat natin piliin. Kung hindi lang siya paos at wala boses ay tatawag siya sa Radio Station at mag sermon hihi! Si Bishop talaga!

At ang mga highlight ng sermon niya ay talaga tagus tagusan na tumatak sa aking isipan. Dapat ako magpasalamat kay Jesus Christ siya ang sugo ng Panginoon na siyang nagligtas sa ating lahat na talaga dapat nating pahalagahan, mahalin at papurihan!

AMEN.

6 comments:

Anonymous said...

Happy Birthday Jesus! Happy Christmas naman sayo PN.

PluripotentNurse said...

Hi Kyle Cee Merry Christmas din sau.

Thanks for dropping by :)

Axl Powerhouse Network said...

whahhaha naka attend ka din sa mass ni bishop luis apir sobrang galing niya sa homily right heheheh.. isa siya sa mga fave ko pagdating sa mga homily sobra makakarelate ka at mararamdaman mo yung honikly niya... heheheh.. ang haba ng comments ko hehehe.

Merry Christmas! I wish u hapiness and peace for u and ur family. May God continue to bless us all.

Tsina said...

Hehehe. Nakakatuwa naman siya. =)

PluripotentNurse said...

@ Axl yes the best talaga si Bishop super idol. Talaga makinig ka pag siya ang nag sermon :)

Merry Christmas din sayo. God bless!

@ Tsina oo may pagka komedyante ng konti si Bishop Tagle hihi!:)

Anonymous said...

It's the season to be chubby la la la la la. la la la la.

Happy Holidays! Wishing you more blessings of love, good health, peace and luck ! :-)

Merry Christmas and Happy New Year!