Monday, December 13, 2010
Ang Echoserang Accountant at Echoserong Guard
Galing ako sa bahay namin sa Cavite papunta Makati 11:0AM na ata ako nakaalis sa bahay so late na naman eksena ko eh may aasikasuhin pa ko sa Munisipyo that time buti na lang walang aberya in one hour nakakuha ako ng Police Clearance kahit na last year pa ung barangay clearance ko hihi! buti hindi napansin ng policewoman toxic din kasi siya marami nag apply for that thingy.
Sumakay na ko ng bus papunta Makati at dahil traffic at rush hour un 2:30 na ata ako nakarating ng Paseo saka kumain ng burger Mcdo un lang ang lunch ko nagmadali kasi ako para maabutan ang mga tao sa office.
Ang sadya ko lang naman eh matapos ang clearance ko as some of you may know na nag resigned na ko I want a clean and honest exit.
So there you go habang nagpapapirma ko sa iba't ibang personalidad sa office parang isa-isang natanggal ang tinik na nakabaon sa aking pectoralis major! hihi:)
Follow up na nga lang to dapat kasi nung friday nagpunta na ako para tapusin un kaso late na rin ako dumating naka out na ang mga VIP kaya't pinabalik ako ng HR kahapon.
Pero kamalasan naman may meeting ang Finance Department!!! at ang 2 last na mag sign sa aking papel na dala ay nandoon sa meeting na un. Stress! Kaya't naupo muna ko sa tabi ni manong guard!
May pagka mataray ito guard na ito ever since nag apply pa lang ako kala mo kung cnu makaasta to thundergad na ito. Feeling eh sobra taas ng posisyon. Eh hindi niya ko kilala kasi minsan lang naman ako nagawi sa office most of the time nasa area lang. Wala na sa akin ang Company ID dahil naisauli ko na kaya't labag man sa aking kalooban eh kaylangan ko na naman isuot ang Visitor's ID for the LAST TIME!!!(Ayoko na bumalik sa office na un!)
Labas pasok ako sa dept ng finance to check kung tapos na meeting nang kinuha ng guard ang akin attensyon at ang sabi:
Echoserong Guard:Sir bakit ba labas pasok ka dyan? Hindi pa ba tapos ang kaylangan mo? Ang dami niya dada!
Hanggang sa sumabat ako at sinabi ko sa kanya na:
AKO:I am a former medical representative of this company and I am here to accomplish my clearance with the finance department. Now can i come inside?
Echoserong Guard: (Silent mode) Cge Sir pasok na po kayo.
Gusto pa kasi ako mag english bago ako papasukin ng loko!
At hanggang sa matapos ang meeting nagkaroon pa rin ako ng aberya naman as Accounting Head kala mo kung sino magmaganda eh hindi naman kagandahan ito echosera na to.
I approached her and said:
AKO: Mam good afternoon. Narito po ako para mag pa sign ng aking clearance.
Accounting Head: Oh hindi ganun kadali ang pag sign niyan dami rin niya dada at echos tulad ni manong guard. Oh kailangan mo ito asikasuhin at papirmahan ung wala pa.
Hindi ko yan pirmahan hanggat hindi tapos lahat.
AKO: Mam ang sabi ng HR sila na bahala mag pa sign sa iba wala all they need is the sign from accounting department. Thank you.
So ako naman more ayos pa rin ng liabilities ko sa halos 4 months of working with the company, pero napakagulo pa rin nila hanggang sa ngayon hindi alam kung anu process when it comes to my case. Ang dami irregularities at discrepancy. Naturingang Multinational Company pa naman pero worst! Ayoko na hindi na ko ulit!
Sabi ko sa sarili ko matapos lang araw na to ayoko na bumalik dito! Hanggang sa napirmahan ng assistant niya ang clearance ko pero hindi niya ito pinirmahan dahil marami pa daw siya i note. Maupo na lang daw muna ako sabi ko
AKO:Mam malayo pa ang aking uuwian at hindi na ko makakabalik para sadyain pa yang kaisa isa pirma mo na lang!
Katapos tapusan i endorse na lang daw niya sa HR ang clearance ko at uwmuwi na ko.
Pero hanggang sa pagsakay sa ayala stress pa rin ang inabot ko haha...Punuan at wala ako masakyan na aircon bus papuntang Baclaran.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
7 comments:
ahhh oki lang yan,,,,, just chill.. just always think positive....
ganyan talaga ko nga eh ilang beses pabalik balik sa office namin regarding sa clearnce bwisseet talaga hahahhaha
@ axl thanks di kasi maiwasan minsan ang mag isip nfg nega hihi!
@ hard yes bwiseet talaga kung hindi ko lang kaylangan hindi ko un aasikasuhin.
ai naku ang bitter ng compny mo sau hehe
PluripotentNurse,
I wonder what you did to your company for them to treat you that way. I'm kidding!!!! =)
Hassle talaga ang mga papers and procedures, But then again, it does create some sense of order in this world.
=)
Kane
:)
@ Hb oo bitter talaga dahil ayaw pa rin ako i let go ng mga boss.
@ Kane asset ko kasi ako ng division namin kaya ganun na lang ang treatment nung mag exit ako na labag sa kalooban nila hay!
Post a Comment