Tuesday, December 28, 2010

Ang Jurassic na IT System ng PINAS!


Maihahalintulad ko ang IT system ng gobyerno ng Pilipinas na katulad noong panahon ng Jurassic.

Makaluma, mabagal, walang systema, puro problema at kung anu anu pa adjectives na panget na sa kanila na lahat!

Naalala ko ang sabi ng isang Board Member ng Board of Nursing noong ako ay nasa kolehiyo, bale wala ang PRC Modernization Act of 2000 dahil walang pinagbago ang PRC ganun pa rin mabagal, magulo at mainit sa bawat proseso na iyong pagdadaanan.

Lalo lalo na sa pagkuha ng license sa Nursing daig pa ang pila sa Tv show ni Willie!

Kaya't tinawag niya itong Jurassic Act. Mismo sa kanya na ito nanggaling.

Pero bakit nga ba tungkol dito ang post ko.

Dahil kanina asang asa ako na makakuha ako ng Driver's License sa LTO nagpatulong na nga ako't lahat sa driving school ko para mabilis kahit na mahal instant ito. 1 day process lang.

Pero kabaligtaran ang nangyari kanina OFFLINE ang LTO office! Pakshet! Meaning balik na naman ako bukas hay!

Ang bilis tumaas ng stress level ko dahil sa pagtaas ng aking mga catecholamine at norepinephrine.

Pero I need to be calm. Think Positive.

No choice!

Wala ako magawa that's life balik na naman ako bukas sana makakuha na ko ng licensya!

9 comments:

Anonymous said...

sana nga mapalitan na yung sistema. :|

PluripotentNurse said...

@ Kyle yes sobrang bulok na talaga ng sistema na sobrang nakakapekto sa nakararami.

imsonotconio said...

good luck!

PluripotentNurse said...

@ conio thanks! sana makuha ko na today.

Axl Powerhouse Network said...

wahha ganyan talaga ang buhay di lahat nadadaan sa madalian di ba?!
ok lang yan think positive men!

Anonymous said...

oi napadaan ako dito salamat sa pagfollow sa bahay ni batman... weee.. yan ang mahirap sa manual system ng pilipinas.. wahehhee

PluripotentNurse said...

@ Axl oo nge eh pero sa LTO kung gusto mo mapadali mag fixer ka toinks!

@ Kikomax np ur welcome! LTO worst sa lahat. huhu :(

Jake said...

Hahaha! Sana kumuha via a driving school like A1.

They even gave me a "reviewer" for the written examns.

Tapos dun sa practical exam na, chika na lang.

Ayun, 1 day may license agad. :)

PluripotentNurse said...

@ Jake i already did.

A1 student din ako. But the sad part LTO Las Pinas 2 days ng offline ang mga lintek!

No choice but to go directly na lang to the nearest LTO in Cavite.

Sad to say Dami fixers! huhu:(