Monday, May 30, 2011

I Had a Bad Day!



Umpisa umpisa ng linggo ang dami kamalasan agad ang aking natamasa! ang bilis talaga ng Karma!

Nakarma na ata ako sa mga kasalanan ko nagagawa huhuhu :(

Umpisa na kanina ang pagkatok ng housemate ko ng walas habas sa pintuan habang nasa kasarapan ako ng pagtulog. May 1 hour pa ko dapat na itulog pero dahil sa pagkatok niya ay nabulabog niya ko ito ay sa kadahilanang labas ang mga nakapark na sasakyan sa apartment at nakaharang ang sasakyan ko sa drive way!

Lesson learned wag iharang ang sasakyan sa may drive way para di maistorbo sa pagtulog!

At nasundan pa ito ng pagka out of stock ng isa core product namin na mabenta pa naman, hayy magbunyi na naman ang kalaban at mag fly ang product nila.


At dahil dyan ang dami nagcancel ng mga orders! Ka stress! ]

Pinakahuli ang pinaka nagpasama ng araw ko, binangga ng isang pedicab ang sasakyan ko habang naka park sa labas ng apartment, shetness! at nagasgasan ung lower part niya plus may iniwang mark na pintura ng pedicab at bata lang naman ang nag drive nito!

Shet napamura talaga ako!

At kinausap ko ang tiyahin ng nakabangga at sabi ipapayos daw nila may business ung family ng bata at mukhang may kakayahan naman mag pagawa pero kahit na kung hindi lang nila pinabayaan ang magaslaw na batang un hindi sana nagasgasan ang kotse ko.

Hay life puro kamalasan naman! :(

Wednesday, May 25, 2011

Happiness



Saan ba kita matatagpuan?

Saan kita makita?

Medyo napapagod na rin ako maghintay na dumating ka?

Kailan kaya kita maranasan?

Gusto ko naman sumaya sa ginagawa ko at sa nararanasan ko sa buhay!

Kung mabili ka lang sana bilhin kita kahit magkanu ka pa.


Sorry sa post ko na to na sobrang EMO! Depressed much lang hayy!

Life isn't about waiting for the storm to pass. It's about learning to dance in the rain! Learn from yesterday, live for today, hope for tomorrow.

Sunday, May 22, 2011

The Story of my EX na URAGON

So much for work related post at baka nasuya at nagsawa na kayo sa katoxican ko sa sales hihi.

This time I would like to share about my EX, itago natin siya sa pangalang RR. I met him last year in Cavite he lives in Bacoor, and he is currently working in one of the BPO company sa likod ng MOA not to mention the company at baka may nagtrabaho dun,
Supervisor na siya dun iba level na ang narrating ng lolo mo.

He is also a Nurse by profession, RN,MAN,USRN at Cum Laude pa haha masyado talaga ako attracted sa mga smarty pipol.

And just to give you sa brief idea on our relationship last year, hindi ito naging maganda due personal reasons, most specially family matter.

So dahil nga sa naging masalimuot ang lahat I decided to let go of him at siya na rin mismo ang nagsabi ayaw na niya, so ako napagod din kahabol kaya let go na talaga.

URAGON kasi matibay at may pagka hardheaded talaga hmpf.

Sorry sa mga Bicolano makabasa ng post ko na ito wala ako galit sa inyo hihi.

He is from Naga talaga, kaya when I told him na mag area ako sa Bicol natuwa siya at tiyak na mag enjoy daw ako dito.

So ako naman more tanung more fun kung anu meron nga dito at kung mag enjoy ba ako,
Syempre my connection pa rin kami tru text.

At this week nga lang ay nagulat na lang ako at nag text siya!

RR: Nasan ka? Andito ako sa Naga?

Ako: Huh? Dito ko sa Panganiban sa may Naga City Subdivision.

Then all of a sudden wala na reply …

So ako naman caredead work mode na ulit. Im on my way to Daet that day, at laking gulat ko when going back to Naga I saw him somewhere in the middle of the road, haha. Malaki masyado ang Bicol pero bakit pinagtagpo talaga kami? (Accidentally)

So I texted him sabi ko: Taga Sipocot ka nap ala noh?

RR: Huh tga dito talaga ako sinundo ko langu ng pamangkin ko.

May kasama kasi siya girl that time kaya ako naman may konti selos joke! Haha un pala eh pamangkin lang niya.

Then kinabukasan again I received a text from him, sabi

RR: asan ka andito ako sa SM? Sunduin mo ko then dinner tayo somewhere here in Naga.

Ako: Okay sige magbihis lang ako 15 minutes.

RR: ang tagal naman 5 minutes dalian mo.

May pagkademanding talaga ang lolo niyo. Sabi ko na lang sa text,

Ako : Excited ? haha .

Excited siya makita ako uli lol.

Then nagkita na nga kami at laking gulat niya na may sasakyan na ko hehe. Kasi last year biyahero lang ako at nakikisakay lang kami kung kani kanino.

At nagdinner na nga kami somewhere in Magsaysay Rd ang pinakasikat na gimikan dito sa Naga na maihalintulad ko sa Malate ng Manila na buhay na buhay every weekend.

Usap usap ng konti storyahan sa mga buhay buhay kung anu balita, kaya pala siya umuwi eh umuwi din father niya from US.

Kaya pala nakauwi ang mokong. Haha.

Then after dinner na libre niya we went to CWC chillax lang! Sabi ko sa kanya mahal ang gas ngayon haha. Mag comute na lang tayo joke! Haha.

At nag tour kami sa Sutherland dito sa Naga bongels ang site ng BPO na ito dito sa Camarines Sur nature friendly ang environment.

At pagkatapos magikot ikot at maupo sandali at nagyaya na rin siya umuwi at hinahanap na daw siya ng father niya na nagluto pa ng dinner for him.

Then umuwi na kami matigas talaga ang isang ito ayaw magpahatid sa kanila at ayaw niya malaman ko kung saan siya nakatira naku URAGON talaga! Haha.

Thursday, May 19, 2011

City Carwash with Wifi


Good morning peeps!

Sinamantala ko na ang pagkakataong ito upang makapag post kahit ng isang mabilis lang na kwento hihi.

Syempre dun ako sa car wash na may Wifi!

Ang dami ko katoxican this past few days went back here in Naga last tuesday morning from my training sa Makati.

I need more benta benta benta!

Short pa ko ng more than 1M for just 1 week na lang.

Lord help mo naman ako ti hit my target for the first time, kailangan ko lang talaga for my regularization.

At talaga bongga pag pls na ginagawa ko sa mga dokies ko para lang umorder ng bongga!

In a day i need to book at least 200,000! Woah I need miracles!

Sana may umorder na lang ng bongga 1M para wala na ko problemahin pa hehe...

Pero syempre kailangan lagi ng tiyaga para may nilaga.

Until my next post abangan kung kokota ba ako o hindi!

Pls pray for me peeps!

Saturday, May 14, 2011

Mt.Bulusan Escapade



Last thursday I went to Sorsogon, work work work na naman ang eksena ko sa far away place na ito. At take note hindi nagtapos ang aking pag area sa City!

From Pilar and Donsol mga 30 minutes drive pa papunta City, almost 60Km and layo ng Sorsogon City galing ng Legaspi City kaya ganun na lang ang aking pagod pag dumadayo sa lugar na ito.

At naisipang ko nga mag expand at mag extend! This is it! Now is the time!

Iniwan ko muna si ang car ko sa isang favorite ko resto sa City, ballpen lang ang katapat ni Manong Guard! and there you go super thankful siya sa unique na ballpen na binigay ko. Haha :)

Bilang kapalit bantayan niya mabuti si ZRN ko.

At dumating na nga ang friend ko na taga Nestle gora na kami papunta Irosin, at malayo na ito sa City.

So we visited our first target in Irosin then drive to Bulan ang pinakamalayo lugar sa Bicol na aking napuntahan!

Kaloka ang mga eksena sa daan dahil bihira ang public transpo once in a while lang dumadaan ang Jeep at kadalasan punuan pa!

Tricycle ang common mode of transportation nila doon na punuan kung punuan din. May Bus papunta Cubao naman pero may schedule din ang alis nito sa Terminal.

at nakarating na kami sa aming 2nd stop at swerte dahil bumenta kaagad ako during my first visit hihi.

Thankful much kay Dra!:)

Opt not to mention her name at baka mabasa ito ng competitor ko Joke!:)

At mukhang may balik balikan ako sa Bulan, dahil nacapture ni Kuya Waiter ang aking attention sa isang local resto na aming kinain tiyak na balik at balikan ko sya este mga Dokies ko pala haha.

Landee na naman!

Nakalungkot lang pauwi ang daan dahil may mga nag quarry ng Pulang Lupa along the way napaisip ako tuloy na kagagawan din ng mga tao sakim ang galit ni Inang Kalikasan kapag may sakuna nangyari lalo na sa Kabundukan ng Sorsogon na kung saan nakikita ko na prone ito sa landslide.

and ang last na talaga naka capture ng aking attensyon ay ang magandang view ng Mt.Bulusan. Parang gusto ko mag stop over at magpahinga habang nag nature trip.

Bulan talaga balik balikan kita! hihi :)

Wednesday, May 11, 2011

Eb Anyone?



Hi peeps isang mabilis lang ito na post! Dahil napatawag ng bongga si bossing at inform ang inyong lingkod na may training daw ako sa office sa Monday!

Haha ang saya ko na naman at makakauwi ako sa Saturday, then Sunday afternoon Makati na ko, Baka may libre dyan sa inyo sa sunday we can meet around Makati area naman ng ma meet ko ang mga kausap ko blogggers.

Dali na wag na mahiya haha mamigay ako ng ballpen sa makikipag meet lol.

feel free to comment kung may gusto makipag meet:)

Tuesday, May 10, 2011

I need more Space!


Good morning peeps! Have a nice wednesday ahead! Trabaho na naman, city tour lang ako around Legaspi City, too bad kasi sira ang wifi sa hotel kaya eto nakikiwifi lang ako sa Binalot.

At napaka challenging talaga ng umaga ko dahil sa parking ng hotel, punuan kasi lagi ng mga parokyano nila bakasyonista, mga ahente, mga medrep at mga nag short time. Mura kasi ang rate sa homotel na ito!

Sinusumpa ko talaga ang parking pag may kadikit na ko sasakyan haha! Aminado ako sobra hina ko pa rin sa masikip na parking pagpasok at paglabas. Syempre takot ako makabangga ng ibang sasakyan.

Buti na lang to the rescue ang isang tricycle driver na nakapila sa hotel! and there you go perfect sa parking si Kuya!:)

Special thanks to him with the tulong of Security Guard ng hotel.

Pero nakakahiya kasi feeling ko nakabawas ng poise ang katangahan ko sa parking lol!

Maperfect din kita parking soon!

Monday, May 9, 2011

I feel so Empty


Hi peeps buhay pa ko after the bagyong Bebeng!

Kahit na signal No.2 dito sa Bicol Region, my first typhoon ang patikim ni Inang Kalikasan, grabe wet na wet ang weekend ko! Saturday and Sunday sa apartment lang ako at worst waley ako makain dahil ubos na ang stocks ko pagkain.

Pero mabait talaga si God he will make a way para di kami magutom ng mga housemates ko, nagluto si Tita Alice ng pansit with muching tinapay pa dahil Mother’s Day kahapon, busog na naman kami mga PG! lol.

Btw I want to greet all the mothers out there ng belated Happy Mother’s Day! Syempre included na si mudra dun, nagreet ko na sya kahapon pa.

Kaso may nangyari din palang hindi maganda yesterday namatay na ang 10 year old ko aso si Mosh Mosh. RIP my dear aso huhu. Kaya pala matamlay na siya noong huling pagkakita ko sa kanya, lungkot na lungkot din sa madder dahil si Mosh Mosh lang ang palagi niya kasama sa bahay pag wala kami ni Ate ko.

Hayy masakit din pala ang mawalan ka ng minamahal mo aso!

At kanina nga ang dami dami ko pagod, dahil sa mga pinsala ni Bebeng sa daan, ang taas ng baha sa way ko papunta Legaspi kaya’t hindi ko na tinangkang ilusong pa si Moy? Pangalan ng sasakyan ko hihi. May mga by standers dun na willing magtulak at patayin ko na lang daw makina para hindi pasukin ng tubig, pero nag stop muna ko for a while at nag isip isip kung itutuloy ko ba ang desperadong daan papunta Legaspi, pero katapos tapusan nag U Turn na lang ako at bumalik sa Naga!

Sobra pagod na pagod ako almost 2 hours ako nagbyahe at sumakit ang mga tuhod ko talaga ( OMG signs of aging?)

At marami pang nangyari mga events pagbalik ko Naga!

Hay buhay driver! Nakasawa din pala mag drive? (Ambivalent much)

Pero bakit I feel so empty? Nakikibagay talaga ang panahon. Seasonal depression ba ito?

Kasi may kulang talaga! Na miss ko na sobra ang magbigay ng love at mabigyan ng love in return.

Emo na naman ako tsk tsk!

9 months na ko single! And I hate it!

Hanggang kelan kaya ako mag hintay?

Sunday, May 1, 2011

Sunday Happenings

After attending the mass sa Cathedral i went to SM Naga para mag chillax naman ng konti at kumain alone again? haha. Yes kumain ako mag isa sa KFC ng paborito ko Krusher Buko Pandan Flavor at ng bago nila Chicken Ala King na rice bowl. Medyo maalat nga lang konti pero masarap pa rin hihi.

Pagkatapos ay nag ikot ikot na lang ako to check kung may maganda ba black shoes pero wala ako napili ang panget ng stocks nila dito wala mapapilian kahit mga damit waley talaga!

Then nagbayad ako ng bill sa phone kahit na hindi ko naman nagamit ang postpaid ko sa SUN sayang lang talaga hayy.

Last stop ay ang paminsan minsan ko na lang nabisita na book sale! Yes favorite tambayan ko din ito lalo na nung college pa ako. At matagal tagal na rin ako hindi nakabili ng libro dito.

At dahil may mga bago dating! Sinamantala ko na ang pagkakataon, hanap dito hanap doon ng maganda libro mabasa hihi. At eto ang 2 napili ko libro.

Marriable

this is a about dating game authored by a Christian Couple, cover pa lang nakakaengganyo na basahin balitaan ko na lang kayo kung maganda ba ang content hihi. bagay ata ito sa mga single na kagaya ko lol.

at ang isa naman ay medical related book na,

Living with Arthritis



yes feeling ko malaking tulong ito sken lalo lalo na't Arthritis runs in our family, kaya i need to be careful maigi na ung health conscious, sabi nga nila Prevention is always better than Cure :)

take note 190 lang ang 2 libro na ito. Special thanks to Book Sale :)