Wednesday, April 27, 2011

The Green Day!



Yesterday after a long day of traffic around the City of Legaspi I went to Pacific Mall ang pinakapuntahan ng mga turista here in Legaspi City, syempre hanap muna ko ng magandang spot sa parking lot - give me space ang drama ko! haha.

I hate parking in between cars nahirapan pa ko to be honest haha. Takot ako makabangga ng iba sasakyan mahirap na wala ako pambayad haha!

And there you go successful ang pagsingit ko sa 2 naka tagilid na sasakyan hihi.

Then I had my dinner sa Graceland one of the local fastfood here in Bicol. Ang tagal ng order ko almost 30 minutes magsarado na ang mall wala pa rin, maaga kasi magsara ang Pacific Mall. 8PM pa lang sarado na agad mga stores.

Last stop Bench to buy a generic body spray, dun ako bumili kasi andun ung crush ko haha. Ang landee ko talaga everytime I visit Legaspi I see to it na nakita ko sya palagi. Daig ko pa makahiya lol :)

And to my surprise upon paying in the cashier. Bigla umenter si Ate Cashier.

Cahshier: Sir today is a Green Day and we have a fee for every plastic. One peso lang naman.

Ako:Huh kelan pa nagkaroon ng ganyan? Haha at umiral na naman ang aking kakuriputan, Ampf I told her eh panu kung hindi na ko kuha ng plastic?

Cahshier: Pwede naman po sir as long as my resibo.

Ako: Ah okay sige wag mo na lang lagyan ng plastic sabi ko haha.

Sa isip isip ng cashier ang kuripot naman ng tao to naka corporate attire pa man din ako kagabi haha!

Pero hindi ko kasi alam ang greenday na eksena nila every Wednesday, hindi maganda ang pagkaka register sken haha.

Siguro may purpose sila kung bakit sila naniningil ng piso.Buti kung i donate pa sa Green Peace ung singilin nila pwede pa kaso hindi nila na mention kaya caredeads na lang lol :)

Saturday, April 23, 2011

The Manila to Kawit Highway



Share ko lang mga kablogpeeps ang way na ito sa inyo, if your from Manila and you will go to Cavite the original route ng kahit na anu vehicle is to go straight to Aguinaldo Highway entering SM Bacoor and nearby places,

May isa pa alternate route which is to go inside the Municipality of Bacoor,pero hindi na talaga kaya ihandle ng dalawa way na ito ang volume ng mga sasakyan na pumapasok sa Cavite.

Kaya't noong year 2000 ay sinimulan ni PGMA ang proyekto na extension ng Manila to Kawit Highway!

And there you go after 11 years gawa na ang daan na makapagbigay ginhawa sa mga byaherong Caviteno!

I remember when i was a college student pa lang nag comute ako from our town Naic to Las Pinas! more than 50km ang distance kaya kung traffic pa at abutan ka ng buhos eh kulang ang 2 hours na palugit ko.

Ending talaga mahuli ka sa klase! bongga pa naman ang traffic sa Bacoor at Las Pinas nakaka HB hihi.

Kaya't laking pasasalamat ko sa nag pondo ng proyekto ito! In less than an hour nasa bahay na ko from Baclaran to Naic.

No Traffic! Less sitting, Less Stress.


At ang balita ko pa nga eh magkakaroon pa daw ng extension ang LRT to Cavite hihi. Sana matuloy :)

Friday, April 22, 2011

Prusisyon



Kanina ay ginunita natin ang kamatayan ni Jesus ang ating tagapagligtas at ang ating Panginoon na siya umako ng ating kasalanan kaya't bilang pag gunita sa kanyang sakripisyo ay nakilahok ako muli sa taunang prusisyon sa aming bayan ng Naic dito sa Cavite.

Nakaugalian ko na makisali sa prusisyon every year kasama ang aking kaklase nung highschool at ang kanyang BF. syempre inggit much na naman ako dahil sila ay mag partner at ako naman ay wala kaholding hands joke.

Well at first na miss ko makipachikahan sa aking matalik na kaibigan dahil kanina lang ulit kami nagkita simula ng ako ay ipatapon sa Bicol.

Pero di naging maganda ang simula dahil nag LQ agad ang dalawa mag jowa! So ako naman caredeads lang, pero ang totoo eh ayoko ng may kasama mag jowa na nag aaway tapos sa prusisyon pa!

Kalurkey talaga and dalawa ito! Pero di nagtagal nagkabati din sila dalawa sa tulong ng kendi!

Yes tinanong ako ng friend ko kung may kendi daw ba ako sabi ko wala eh!

Dumukot si BF niya sa bulsa kunwari at nag check kung may laman kendi, pero ang totoo wala talaga!

Kaagad bumili ng kendi sa BF para kay girl at dun nagtatapos ang kanilang tampuhan bati na agad!

Sa isip isip ko sa dalawa ito! Naka SUPERFICIAL niyo! Chos! haha.

Syempre picture picture konti after ng prusisyon at ceremony sa simbahan.

Tapos uwi na eksena ko dahil kumain pa ang mag jowa. Syempre wala naman ako business na dun kaya ako ay MEGA-MGH (May Go Home) na!

At doon nagtapos ang aking Good Friday!

Have a blessed holy week peeps!

Saturday, April 16, 2011

I Survive!



At last after the long wait hawak ko na siya at lagi ko pa kasama hihi.

Ito ay walang iba kundi ang issue Honda City ni Mother Company, laki pasasalamat ko sa aking Supervisor na napakatoxic at iniwan na sken ang sasakyan ko.

Pero sobra stress ang inabot ko bago ko siya makuha hindi biro hirap sabi nga nila

Hirap muna bago ang Sarap! Hihi

Pero kaakibat ng sasakyan na ito ang sobra sobra pressure na kailangan ko kumota para maregular ng bongga!

At hindi biro ang responsibility sa pag maintain ng car kaya ang dami ko adjustment na dapat gawin.

Sobrang busy ko last week pasensya na mga kbloggers at hindi ako nakaka visit sa mga sites nyo,

Paguwi ko na lang siguro sa bahay marami na ko time para makapag comment ng bongga hihi.

Until here na lang muna ang post ng bagong driver!

Basta Driver Sweet Lover?

Haha totoo kaya un?!

Keep Safe peeps! Im going home again sa Holy Week :)

Wednesday, April 13, 2011

The Italian Resto in Tabaco

Share ko lang ng bongga mga kapatid itong kinainan kong Graziano’s Italian Restaurant sa Tabaco City Albay.

Worth the wait dahil laking gulat namin ng counterpart ko ang bongga bongga servings ng lasagna at and napakalaking slice ng pizza!

Take note affordable ang price ng mga putahe at menu nila. Pangmasa siya kumbaga.

First time ko kumain sa resto na un at uulit ulitin ko na siya sa tuwing bisita ako sa Tabaco,




Paumanhin sa picture na madilim at hindi ko dala ang aking digicam sa sunod kuhanan ko na ng bongga pati ung kusina nila lol.


At eto na ang higante slice ng pizza na talaga namang masarap at malinamnam


Hindi masyadong nakakabusog ang lasagna nila infairness sa sobrang dami ng servings hindi ko siya naubos haha!

Pasensya na sa walang kuwenta post na ito at busy busyhan ang lolo niyo sumingit lang ng konti just to update my blog hihi.





Sunday, April 10, 2011

Aling Bambi's Boy


Im back again medyo hibernate mode eksena lately due to toxic work at busy sched! Kasi naman si boss ang dami arte! Yan tuloy di ako makapag blog lols.

Yesterday i received a mail from my boss at nagulantang ako sa nakita ko, oh ang taas ng quota ko! Not just 1 or 2 million but almost or more than 3 million a month! Sabi ko sa sarili ko quota ba to? Haha! At natulala sa kawalan sa kaiisip kung panu ko ma achieve ang ganung kalaking quota.

Wala ako magawa kaya lumabas na lang at pumunta sa aking pinsan para makita ang aking pamangkin at makikain na rin.

After I went from their house pumunta na ko sa terminal for my reserved ticket dahil uwi ako sa Holy Week. Buti na lang at may seat pa for the Bus and Time na gusto ko, almost 2 weeks pa bago mag mahal na araw pero fully booked na ang karamihan.

May kamahalan ang ticket pala from Bicol to Cubao tumataginting na 850 pesos ung may CR na bus syempre ang kinuha ko at un ay ang Isarog Bus Lines. Bongga ang mga bus nila kasi comfortable at mabilis ang byahe.

Then I went to SM para mag liwaliw saglit at nang pauwi na ako ay nakasabay ko sa padyak ang tindero ni Aling Bambi may pagka echusero si Kuya makulit at pakialamero ang drama.

Boy: Kuya ang dami mo naman pagkain? Para kanino yan?

Ako: Oo pinabili lang sken yan ng mga housemates ko.

Boy: Ah akala ko sayo lahat yan!

Ako: Sa isip isip ko( anu palagay mo saken patay gutom para kainin ko lahat ito. Lols)

Natahimik ng konti...

Boy: Kuya iniisip mo ang Gf mo noh?

Ako: huh? Panu mo naman nasabi?

Boy: Kasi mukhang malalim ang iniisip mo eh naka ngalumbaba ka pa!

Ako: Hindi may iba ako iniisip.

Boy: Eh anu? Broken hearted ka noh?

Ako: Hindi nga Single ako Single!

Ewan ko bakit napaka bibo niya at sobrang daldal.Sarap sapakin napaka kulit. Haha.

at nasundan pa ng kung anu anu non sense na tanong HINDI ko na lang sya pinansin hanggang sa makauwi ako sa bahay.

Wednesday, April 6, 2011

Ako'y Desperado


Malapit na ang paghuhukom palapit na ng palapit ang buwan ng Mayo kung saan ako ay husgahan ng mga big boss sa aking performance kung maregular ba ako o hindi!

Shetness kasi ang dami talaga challenges this year, Hindi ko expect na maging ganito ka aggressive ang mga mahilig sa kulang ORANGE ko kalaban sa market!

Pero kahit na isa lang ako dito sa Bicol laban sa marami Orange Rangers Kayak o to!

Kaylangan pa ng konti push at push para bumenta at kumota ng bongga.

Syempre andito na ko sa magandang company kaya galingan ko na para naman maregular ako before my birthday.

Un ang wish ko sa aking kaarawan this year ang maging maganda ang takbo ng aking career both work and lovelife?

Tanung pwede kaya un? Hahaha para Malabo mangyari ah?

Pero bilog talaga ang mundo kaya’t marami pa mangyayari sa mga susunod na buwan at sana ay maging maayos at matiwasay ang lahat.

Sana ay kumota ako this month! Abutin ko ang Malayong isla ng Masbate at Catanduanes kung kinakailangan at puntahan ko ang liblib na mga lugar sa Sorsogon tulad ng Bulan, Gubat at Irosin!

Haha shocks ang layo na ng mga nabanggit ko lugar at bago magtapos ang aking kontrata ay nangarap akong maabot ang mga nasabi ko lugar!

Para naman may remembrance kung saka sakali haha!

I need to stay positive with my outlook towards work, dahil kung mawalan ako ng drive to work for sure hind imaging Maganda ang bunga.

Kaya sana po Lord tulungan mo ko kumota, Help me with all my problems at lagi mo ako samahan sa bawat araw na ako ay naglalakbay sa kabundukan at kabukiran ng Bicolandia.

Salamat sa lahat ng blessings GOD. Sa uulitin!

Friday, April 1, 2011

The Fun Game: Bring Me!



Im back home! Kaso isang araw lang ako mag stay dito house namin dahil tom morning balik Metro na ulit para sa practice namin sa Sofitel excited na ko hihi.

Bukod sa mga bagay na nabanggit ko anu pa ba ang naka excite saken?

Mababaw lang naman kaligayahan ko un ay ang makasakay lang palagi sa airplane joke hihi. Ang totoo excited ako sumakay lagi sa CebuPac dahil sa FUN GAME nila na BRING ME. Una unahan syempre pero dahil nasa eroplano raise your hand na lang ang mechanics ng bring me.

Last time na i share ko na rin dito sa blog ko na nanalo ako ng souvenir sa game na ito, 2 times ako nanalo hihi. Reason : kasi puro mga foreign nationals ang kasama ko sa trip na un at talaga deadma sila dito sa game na ito kalurkey.

Pero kanina naka disappoint kasi wala ko nakuha souvenir kahit isa! Shetness inis kasi hindi ako nag almusal kaya wala energy hihi.

At ang isa pa dahilan ay puro PINOY ang kasama ko sa eroplano papunta MANILA.

Kanina ko lang na realize na ang mga Pinoy talaga mahilig sa premyo. Matindi ang pangangailangan na gawin ang lahat manalo lang at makapaguwi ng kahit na anu libre haha.

Kayat paghahandaan ko ulit ang game na ito pagbalik ko ng Bicol kailangan may mukha ulit ako prize lol!

Happy weekend peeps. Excited na ko bukas sa Sofitel event namin. Goodluck to me :)