Saturday, January 29, 2011
Weekend Homesickness
again and again...
ang boring ng saturday ko sa apartment, ako lang mag isa habang ang mga kasamahan ko eh nakakauwi sa kani-kanilang mga bahay kahit malayo cge pa rin.
Marami na rin ako mga nakilala na mga kapwa ko rep for almost a month pero syempre wala pa talaga ung sobrang close na single na katulad ko, mostly ng mga ahente dito matanda na!
Gurangers o mga thundergads! na mga pamilyado na. May pagkabusyhan sila pag weekend. Samantalang ako ang laki laki ng problema ko haha.
Na miss ko lang cguro ang hometown ko at ang bahay namin sa Cavite.
February pa ang balik ko doon kaya more waiting more fun ako dito sa Bicol.
Pero kaylangan magtiis alang alang sa trabaho at ika ganda ng future.
Sunday na naman bukas. May pagkabusyhan ako kahit isang oras lang si Bro sa taas na lagi ko kasama.
Happy Weekend blogpeeps!
See u on monday Legaspi,Albay and Sorsogon ulit :)
Thursday, January 27, 2011
Where to find LOVE?
Saan mo nga ba makita si Mr. o Ms. Right?!
Sa dinami dami ng tao sa mundong ito, sa tingin mo saan nga kaya?
Recently lang eh naging talking point namin ito ni beki counterpart before he left Bicol.
At ang mga napagusapan namin ay ang mga sumusunod :
NO!
Bars- it's a No No daw sabi niya dahil karamihan sa mga napunta dito ay alam niyo na kung anu ang hinahanap. Hindi naman namin nilahat pero alam niyo na siguro kung anu ang tinutukoy ko mga bars.
Movie house- hindi rin daw! dahil most likely wala single na gawing dating place ang sinehan. Karamihan ay alam niyo na rin ang hanap. Madilim kasi eh conducive daw ung place sa mga makamundong gawa.
50/50
Online or Dating Sites- parang hindi rin daw though sa chat niya nakilala ang partner niya for 7 years. Siguro nung time niya way back early 2000 may mga matino pang tao sa chatroom pero based on experienced parang wala na eh. Puro SPAM ang nag pop-up o mga computer generated messages na ang lumalabas. Kaya ang ang madalas na katanungan daw sa ngayon eh
ARE U REAL??? haha natawa ko dito.
YES
Church- pwede mo daw makita dito ang hinahanap mo dito hmmm, at nag agree naman ako kahit papaano pero syempre wala ka doon para mag scout o mag flirt nandoon ka para magdasal at magbawas ng kasalanan hindi para lumandi haha.
Bookstore- i say yes dito though pwede geek ang makatagpo mo dito pero hindi rin naman lahat eh puro pang kaalaman lang ang binabasa, may mga nagbabasa rin ng iba't ibang topic like Lifestyle, Health and etc.
SUPERMARKET- tama hindi ka nagkakamali sa nababasa mo, sabi niya kung gusto mo matagpuan ang hinahanap mo eh dito mo siya hanapin, natawa ako noong una pero na realize ko din ang point niya. Dahil ang mga taong nagpunta dito eh ung mga may sense of responsibility na, they know how to be responsible enough for a living.
Tama nga naman!
Malapit na mag Valentine's day at may ka date ako ung mag jowa ko housemate threesome daw kami somewhere!
Sabi ko kaderder! haha. Ano ako Chaperon? Hmpf! Pero pwede na rin at least may nag invite ng date. lol
Sana talaga may ka date ako this valentines. Sino at Saan kaya?
Hoping lang.
Monday, January 24, 2011
Dear Doctor,
Pinasaya mo na naman ako sa araw na ito.
Kahit na pagod at haggard sa byahe, pagdating sa clinic mo eh much ngiti pa rin ko.
Kailangan mabango, malinis tingnan at formal pag nag present, professional na usapan natin aking nakasanayan,
Sa loob ng mahigit isang taon ako'y pinasaya mo sa iyong mga orders, sa iyong unlimited chikka, at sa more tawa more fun na eksena natin sa clinic mo.
Kahit na minsan ay mayroon tayong di pagkakaintindihan ay nagkakaayos din agad at the end of the day.
Masaya ako sa bawat pagkita natin hindi hindi kita pagsasawaan. Promise!
Daig mo pa ang Methamphetamine HCl. Nakaka-addict ka.
I am proud to say that I am engaged with my "TOP" Doctors!
( goodluck sa mga berde ang isip hihi)
Dahil wala naman ako lovelife I considered us to be Engaged. Will you marry me? lol.
Hoping na makatagpo ng single na dokie on my journey here in Bicol haha!
Sincerely your's
Pluripotent Medrep
Sunday, January 23, 2011
Chowking Boys
It's raining men...Yes mga Men nga!
sa apartment ni Tita Alice kung saan ako ng bed space...
Retired teacher na ang lola niyo kaya naisipan mag negosyo ng paupahan,
may room for rent...
may bed space...
at may transient din!...
Yabang ni Lola. este Mayaman pala hihi...
at ang pagkaka alam ko eh exclusive ang apartment ni Tita for Medreps, Nurses and Students.
Pagdating ko last friday night disaster ang aking nadatnan,
ang dami newbies sa bahay ni lola.
So nagtanung ako kay JunJun hindi niya tunay na pangalan ( call center agent na kasambahay)
Sabi ko sino sila?
Sagot niya sakin...
Ah...Mga taga chowking sila 14 days ang training nila sa mga branches ng Chowking here in Naga.
All of them were from Iriga, mukhang may itayong Chowking doon.
Sabi ko lang ahh okay kaya pala.
So nag scout na agad ako tumingin tingin sa salamin at check ko kung may cutie ba sa kanila.
Syempre meron! 5 out of 20 ang pwede na! haha.
The rest "chakakan" na lahat.
Pero isa pa lang sa mga bet ko ang nakakausap ko, medyo mahiyain ung apat haha.
Si Jovern na graduating student ng HRM siya lang ata ung may lakas ng loob na makipagusap in Tagalog most of them syempre Bicolano, ayaw ata mag salita ng ibang wika lol.
Ako lang mag isa sa mga kapwa ko reps ang nandito sa apartment lahat sila naguwian hayy.
Sadness alone again!
Ayoko naman magpaka bibong bata at i approach isa isa sa ang 20 men!
Baka mag epistaxis (nosebleed) ako pag nagkataon ayoko nga!
Ang latest nawalan ng cellphone ang katulong ni Tita, at hinala niya isa sa mga chow chow boys ang kumuha.
Scary kaya super lock ako ng door mahirap na mawalan ng gamit.
Careful lang!
Friday, January 21, 2011
Cagsawa Ruins
Quicky post sa pagtatapos ng linggo ito.
I just want to share some of our pictures kanina sa Cagsawa Ruins.
Entrance Fee is 10 php bata o matanda.
Ang ganda ng lugar na ito a must seen tourist spot overlooking the Mayon Volcano.
At this time more pictures more eksena kami ni beki counterpart.
Salamat sa tulong ng isang taga doon na kumuha sa amin ng mga nakatutuwang post alam ko na ang sikreto nila haha!
At bilang pasasalamat sa tulong ng batang kumuha ng aming litrato binigyan namin siya ng Tip na 100 php. Infairness sa mga shots niya para siya tinuruan ng professional photographer kulang na lang eh DSLR Cam pwede na siya mag negosyo.
Marami din tindahan dito ng mga pasalubong at mga man made na abaka bags at sari saring gamit pang bahay at panglakad.
Pero mukhang naisahan kami ng isang lalaki while leaving the place sinabihan ba naman kami na may parking fee daw.
Nagtaka kami dahil wala naman siya binigay na resibo o anu mang palatandaan na talagang may parking fee. Bahala na siya konsensya na niya un.
hanggang dito na lang muna at magsarado na ang SM Naga haha!
Thursday, January 20, 2011
Katayan OFF Week
Ang unang linggo ng katayan week para sa field force sa taong 2011!
Bakit katayan week? Kasi cut off na for this month. Need more bookings (sales) hihi!
Every day is a toxic day! Kailangan bumenta sa mga dokies kundi tepok kay bossing.
Isa't kalahating stricto pa naman ang aking manager, at dahil bago lang ako sa company kaylangan magpakitang gilas at kahit panu bumenta araw araw.
Para naman after 6 months eh regular na ako, un lang naman ang aking kahilingan sa ngayon kaya't ginagawa ko ang lahat sa abot ng aking makakaya.
Kulang na lang eh mag circus at mag tumbling ako sa harapan ng mga dokies ko para bumenta lang ako hihi.
Sana naman ay maging maganda ang pagtatapos ng aking unang buwan ng pagtatrabaho dito sa magandang rehiyon ng BICOL.
Feeling ko tumataba much na ako sa sobra sarap ng mga pagkain nakalimutan ko na ang diet ko!
Sha pahinga na muna ako blogger peeps. Yngat!
Tuesday, January 18, 2011
Si Felix Bakat ang Bunsoy
WARNING! Pasensya na sa post na ito, babala sa mga below 18 years old wag muna ito basahin. May pag ka censored ang isang ito.
Panu ba naman kasi naka distract siya sobra! Ilang araw ko na siya nakita ganun!
Ang aking tinutukoy ay...
Wala ng iba pa kundi itago natin siya sa pangalang...
si Felix! ang cutie na rep ng isang local company.
ang ahente rin ng gamot na lagi ko nakakasabay mag cover sa mga clinic ng doctors na aming napupuntahan.
siya ay may taas lamang na 5'3"-5'-4" pero bumawi ang mokong sa laki at taba ng kanyang sandata. I dont know kung may palaman un na towel or what pero mukhang hindi naman niya un gagawin for the sake na i show sa public what he got inside!
Parehas kami ng target MD's ang mga Pediatricians, at everytime na nakikita ko siya,
napapapunas ako ng panyo sa aking labi! uber nakakapaglaway ang bakat sa harapan niya lol.
I hate the feeling much na nakikita siya hapit na hapit ang pantalon with muching necktie pa ang loko tapos makita mo sa gitna ng pantalon niya nangingibabaw ang ningning ni Bunsoy! haha.
Si kuya talaga sana hindi ko na siya makita bukas kasi baka hindi ako makapagpigil at madakma ko si Bunsoy!
Uh-Oh its's a NO NO. . . Ayoko masira ang aking malinis na pangalan haha. Joke!
Monday, January 17, 2011
Sorsogon City, Sorsogon
Nagising ako kanina ng 5:30AM sobrang lamig, ang lakas ng hanging sa Naga para bang may bagyo kaya't may pag aalinlangan sa aking isipan kung tuloy pa ba ako o hindi. Pero dahil trabaho ito go pa rin!
Sobrang lamig ng tubig nanginginig ako habang binubuhos ang tubig na parang may yelo hate the feeling para talaga ako himatayin sa lamig!
First time ko mag byahe ng mag isa kadalasan ay sinusundo ako ng aking counterpart.
Kaya ko to i need to overcome my fear! Byaheng Naga-Daraga ang sinakyan ko. Take note ang pamasahe 140php may kamahalan dahil malayo talaga.
Filcab ang tawag nila sa mga GT Express dito kasi sa manila or cavite FX/Van lang ang nakasanayan pantawag sa mga sasakyang ito.
Almost 2hrs ang byahe ko from Naga to Daraga then check in muna sa Hotel baka maubusan ng room.Mahirap na baka wala ako matulugan.
Then bumalik ako ng terminal ng Daraga papunta Sorsogon! Whew ang layo din.
Almost one and half hour ang byahe sa ma zigzag na daan patungong Sorsogon. Pinakamalayo na ata ito sa lahat ng aking napuntahan dito sa BICOL Region.
Wala masyado food trip dito toxic kasi ng coverage wala ang mga dokies ko kaya early ako makabalik ng Legaspi...
Hay buhay ng isang ahente more travelling more fun!
Hanggang bukas ulit nasa Tabaco City,Albay naman kami :)
Saturday, January 15, 2011
Alone in the Island of Storm
Legaspi Airport with Mayon Volcano behind
It’s my 12th day here in Bicol na pala. Lately nabasa niyo ang mga post ko more on food trip and my adventures in this distal region. Pero behind those happy moments may mga bagay pa rin na hindi ko mapaliwanag na umiikot sa aking isipan.
Until now ang dami ko pa rin adjustments lalo na language nila na medyo pahirapan sa pag intindi lalo na’t nasanay ka sa tagalog at English lang, kahit sino mahirapan talaga. Pero it takes time to learn everything kaya ako sige lang matutunan ko din ang pagsasalita ng Bicolano. At siyempre medyo ligaw pa rin ako sa rehiyong ito sa sobra laki ba naman ng area kulang ang isang buwan para ma memorize at matandaan mo ang mga pasikot-sikot.
Naalala ko noong college ako ganito ganito ung feeling ko para ba magsimula ako ng panibagong buhay away from home. I miss my mom, my dog and our house. Nostalgia talaga lalo na’t ganito pa ang panahon ditto wala tigil ang malakas na hanging at ulan. Talaga ma miss mo ang lahat ng nakagawian mo kung ikaw ay nasa iyong comfort zone.
One thing more na kulang, na miss ko din ang magkaroon ng minamahal, mahirap kasi alone ka na nga sa ibang lugar alone pa ang puso mo, paano ka na sigla db?
Hindi naman ako nagmamadali dahil naniniwala pa rin ako na darating siya sa tamang panahon. Pero kailang nga kaya siya darating?
Kung mababasa mo ang post ko na ito magparamdam ka sakin haha.Joke!
I do accept referrals naman kaya kung may kakilala kayo na naghanap din why not?
So much for this, kuntento pa naman ako sa buhay single. Kaya pa naman mag hintay.
Ibuhos ko muna ang aking pagmamahal sa aking trabaho para yumaman ako agad lol.
Thursday, January 13, 2011
Only in BICOL
Mag blog na ulit ako. Hindi pa rin stable ang internet connection ko naki wifi pa rin kung saan saan. Kaiba pag nasa bahay ako na unlimited and connection.
Just want to share this with you:
1.BIGG's Diner-the largest food chain in BICOL Region
Halos lahat ata ng lugar sa Bicol meron sila branch, para ito Jolibee or Mang Inasal na naglipana kung saan sulok ng Pinas. Ang kaibahan nga lang talaga eh sa Bicol lang sila meron.
Masarap ang breakfast meals nila dito at ung hamburger kaiba ang lasa from the common burger na ating nakakain sa MCDO o KFC. Thrice pa lang ako nakakain dito pero masabi ko world class ang kanilang mga serve na food. Super like ung branch nila sa Magsaysay, the best ang interior at designs sa loob unique may pagka vintage ang drama.
2.K-Sarap Resto in DAET Camarines Norte
More lafang more fun talaga ang ginagawa ko dito syempre in between work naman. My counterparts always introduce me to a lot of new food and restaurants to dine in. Kaya't ng mag area kami sa Daet go agad sa K-SARAP.
Ang nice ng place nature friendly ang setting nila. At mukhang mga working students daw ang mga nag serve ng food. Isa na dito si EJ na pinagpantasyahan ko lang naman habang kami ay kumakain, sayang hindi ako nakapag pa picture sa kanya hehe. Next time ipakita ko ang kakisigan ng waiter na ito at ng mahusgahan niyo hihi!
Pero the experienced with the food and food servers were great! The best ang sinigang na baboy, fried chicken na wings at ang dessert nila Syerbet from the word na sorbetes ata ito. Na try ko ung mais con yelo na flavor at ung buko. Kahit malamig that time. Sarap pa rin kumain!
3. Graceland Baker's Plaza
Twice ko na na try ung mga food nila first ung leche flan nila na sakto lang ang lasa at ang Special Bicol Express nila with extra rice hihi!
Shocks manaba ata ako ng bongga dito sa Bicol puro kasibaan na lang ang laman ng isipan ko lol.
4.CWC
Ang famous water sports complex ng Pinas na kung saan ito ay dinadayo ng mga parokyano galing sa ibat ibang bansa. First time ko kanina dito noong un akala ko bongga bongga ang lugar na ito. Pero sakto lang pala pag nandoon ka na sa place magsawa ka na lang sa kapapanood sa mga puti na nag tumbling ng bongga at nagpapakita ng kanilang kakisigan sa pag wakeboard.
Fabulous! Ika nga ng counterpart ko beki hihi. Nakapag unwind naman ako kahit papaano at nabusog ang aking mata sa mga eksena sa lugar.
Note: Hindi ko pagmamay-ari ang mga larawang nasa itaas. Palitan ko na lang ang mga ito pag na upload ko na mga kuha ko. Ito ay inilgay ko lang para ma satisfy ang cravings ng mata ng aking mga readers.
Sunday, January 9, 2011
St. Gregory the Great Cathedral
Linggo kahapon. Day of Meeting with God. At kahit Im away from my hometown it doesn't stop me from going to Church,
Kaya't pagkagaling na pagkagaling ko sa mall, nagpahinga lang ako saglit at nag prepare na para mag simba.
One ride lang ang Church from my hotel.
Ang tapang tapang ko kahit na wala ako masayado alam na bicolano words, Go pa rin ako kahit na alam ko local dialect ang gamitin sa mass.
At hindi ako nagkamali, tama ang aking akala pure Bicolano ang misa mula sa mga pagbasa, sa mga kanta, homily ni father at pati ang mga dasal.
Woah so ako nag pretend na lang na naintindihan ko ang mga words nila. Mahirap din pala makipag communicate with GOD kung di naintindihan ang languange na kanyang ginagamit kaya naman lalo ako na challenge na aralin ang kanilang dialecto.
Learning the Bicolano way of life is fun!
So here's the picture of the Church sorry grab ko lang siya from the net, wala pa time mag picture picture eh.
Photo Credit: http://www.libotero.com/
Saturday, January 8, 2011
Mang Inasal sa Pacific Mall
Well buti na lang dumating na ang friend ko from Manila na native sa Legaspi so sinamahan niya ko mag lunch. Gulat na gulat ang beki dahil di niya akalain na dito pa kami magkita sa Bicol.
Batchmate ko siya sa former company ko at kung matatandaan niyo ang Pimping a Friend na post ko sa isa ko pa blog siya un!
Uh-Oh kaso magkita sila ng boylet niya kaya saglit na oras lang kami nagkasama kumain lang sa Mang Inasal dito sa Gaisano Mall.
Take note free wifi and free saksak sa oulet no need to pay for the energy consumption hihi!
Panalo ang Mang Inasal dito. Ika nga ni Imnotsoconio sosyalera daw ang Mang Inasal dito sa Albay, and so I agree.
Kaya more order pa kasi baka paalisin ako pag nakita wala na ako kinakain lol. Lunch time kasi kaya masyado marami tao.
Sumikat na rin ang haring araw dito sa Legaspi buti naman at sa una pagkakataon eh uminit na rin at nasinagan ako ng konti.
At bukas ay lipat na ko sa maging base ko sa Naga City, Camarines Sur.
Again excited na naman ang inyong lingkod dahil nandun ang CWC, SM City Naga at doon lang meron KFC. I so miss that finger licking good food. haha!
At sana makahanap ako ng maayos na bahay sa lugar na iyon.
Inaalok ako ni ex na doon na lang tumira sa bahay nila kasi wala naman daw tao doon pero nahiya pa rin ako.
May pinsan naman ako na taga Naga ang napangasawa pero di ko pa rin bet maki stay sa kanila wala freedom kaya't hanap ako kung saan meron ako Privacy!hihi.
Lamia Tazza Coffee
Lamia Tazza Coffee is somewhat similar to Starbucks. A famous Bicolano owned coffee shop in Legazpi Albay. They have 2 branches one in Old Albay and one in Embarcadero.
I went to the branch nearest to my hotel in Old Albay. The reason why i go here is primarily due to internet connection need.
Sira nag wifi sa hotel na tinutuluyan ko kaya eto napamahal pa ako. Free wifi naman kaso may bayad ang outlet usage. 50 php. Pwede na kesa mag rent ako sa computershop, since dala ko naman ang laptop ko go agad ako dito.
I miss blogging so much, parang part na siya ng daily routine ko kaya talaga desperado ako maka connect, at para ma share ko na rin sa inyo ang aking Bicolandia adventures hihi!
Wala ako work ng saturday and sunday kaya gala day ito! Gusto ko pa naman mag punta sa famous na Cagsawa Ruins at sa Lignon Hill kaso maulan kaya halos maghapon ako sa hotel.
Ang lungkot sobra dito mga ka bloggers lalo na't total stranger ako sa lugar na ito. Pero kaya ko to. Kaya't ng tumila na ang ulan agad akong lumabas para naman kahit paano ma enjoy ko ang stay ko dito.
Next time na ang pictures pag stable na ang internet connection. Ciao for now.
Photo from foodtrippings.com
Friday, January 7, 2011
Legazpi City Week 1
This is it! Im so ecstatic!
Ganun pala ang feeling ng pagsakay sa eroplano, parang ka mahulog pag mag take off na. Haha tanga tangahan mode.
Medyo delayed ang flight ko dahil sa dami ng departures sa Terminal traffic sa runway. Late ng 1 hour ang byahe.
Fortunately ung counterpart na palitan ko nandito pa para I endorse ako sa mga target doctors namin. Ang kagandahan nun may sumundo sa akin sa airport hehe…
And there you go area na agad ang eksena naming!
At una niya pinatikim sa akin ang rice puto na kulay puti at may kulay violet tapos may palaman sa loob. First time ko makatikim ng ganun puto. Wala sa Cavite o sa Manila hihi.
We went to uptowns Guinobatan, Ligao and Polangui. Medyo may kalayuan ito sa main city. It take us 30-45 minutes bago makarating sa aming first stop.
And medyo hirap ako makipag communicate dahil sa Languange Barrier. Though medyo may alam naman ako ng konti salita nila pero shock pa rin ako nung first day.
At natapos ang unang araw naming nag check in ako sa isa sa pinakamurang lodging house sa Legazpi ang Sampaguita Hotel Inn.
Mura mura ditto 300 lang per day ang bayad kaya palo palo sa lodging allowance ko hihi!
Ung aircon room n asana ang kunin ko pero sabi ng counterpart ko malamig naman sa gabi kaya okay ka na sa electric fan na lang. Kaya’t ung ordinary room na lang ang kinuha ko.
The room is a typical room with private bathroom. Kaya pwede na pero may naalala lang ako sa mga ganito set up haha! Alam na siguro ng karamihan kung anu ung tinutukoy ko.
O kung di niyo ma gets ask me personally or try it for yourself kung hindi mo pa na try lol.
At isa pa san nakakapanibago dito napaka unpredictable ng weather palagi umuulan!
Ewan ko ba buti na lang at hindi nag alburoto ang Mayon Volcano hihi!
Ang bulkan na nakikita ko lang sa pictures noong ako ay bata pa lamang ay abot tanaw ko na.
Masarap din ang mga foods dito sa local resto nila dito like BIGGS nasa Bicol lang ata meron.
Went to EMBARCADERO kanina lang doon kami nag lunch pero di mo magustuhan ang view malapit nga sa dagat pero lakas naman ng ulan haha!
Araw-Araw ata may bagyo dito sa ALBAY nakaloka!
Wifi courtesy of MCDO Gaisano. Kaloka lang wala outlet for charging kaya limited online lang hayy!
To be Continued…
Tuesday, January 4, 2011
Bicolandia Invasion
There you GO! Mga ka bloggers dumating na ang aking hinihintay na araw!
Ayan na siya!
It's a bird...
It's a plane...
YES!
It's Cebu Pacific.
And to be honest!
IT'S MY VERY FIRST TIME TO RIDE IN A PLANE.
Kahiya much hihi.
Well call of the company eh so no choice but to take the risk and get out of my comfort zone.
I will start to be a territory manager in BICOL.
Whole BICOLANDIA ito. Including provinces of:
CAMARINES SUR
CAMARINES NORTE
ALBAY
SORSOGON
Panalo sa laki ng area ang lolo niyo. at connected ulit ito sa UNOS NG BUHAY na aking post kagabi.
Kasi nga maiiwan si Mama with my sister dito sa house.
Second time ito na mangyari na lisan ako syempre ang una ay noong nasa kolehiyo ako naging independent din ako kahit paano.
At gamitin ko na rin ang opportunity ito para magpaalam na rin muna panandalian lang naman. Hindi ko kasi alam kung anu datnan ko bukas doon.
Don't worry peeps I'l bring my laptop with me para ma update ko kayo with what's happenning with my life hihi!
So I say Goodnight.
Early flight tom. NAIA Terminal 3. See you there lol.
Excited...Anxious...and...Nervous Pluripotent Nurse.
Driver's License
Finally after 1 Million Light Years nakakuha din ako ng lisensya upang makapagmaneho!
Di ko na pahabain ang kwento about dito dahil hindi naman ito ang highlight ng aking araw.
Isa lang naman ito sa nagpaiyak sa akin kahapon kung mabasa nyo ang UNOS NG BUHAY na aking kwento last night.
Kung alam niyo lang mga ka bloggers ang pinagdaanan ko para makuha lang ang king inang license na ito hindi niyo magustuhan.
Dinaig pa ang hirap ng pagkuha ng license sa PRC! Shet di ko lubos maisip na 5 days ako nag intay para lang makuha ito.
Pero Patience is a Virtue! Ika nga nila kaya kailangan mag hintay at eto na nga nakuha ko na.
Sunod na ang Drive Test Uh-Oh. I need to practice more para naman magkaroon na ako ng matagal ko ng minimithing sasakyan pahiram lang po ng company.
So help me GOD.
Monday, January 3, 2011
UNOS NG BUHAY
Ayan na naman siya umaatake na naman si NOSTALGIA
Hate this feeling much, para bang mabaliw ako pag hindi ako nakaget over ng kakaiisip. EMO
Well nagsimula lang naman ito kanina nung umiyak ako sa harap ng iilang tao na hindi ko naman dapat ginawa.
Naawa ako sa sarili ko. At muli ko siya tinanong,
Anu po ba nagawa ko kasalanan at naranasan ko ang mga bagay na ito?
Para gusto ko na sumuko kapag naiisip ko ang mga bagay na ito?
Kayanin ko pa kaya sa mga darating na oras, araw, buwan, at taon???
OO kailangan kayanin at magpakatatag para aking mahal sa buhay.
Ang Aking Mahal na Ina
Siya lang naman ang naghirap na palakihin ako ng ganito at pagbuhusan ng pagod at puyat noong ako ay bata pa.
Muling bumabalik sa aking isipan ang mga kwento niya ng paghirap sa tuwing ako ay aatakin ng Asthma at kombulsyon noong sanggol pa lang ako.
Dama-dama ko ang pagmamahal niya sa tuwing siya ay magkwekwento ng mga ganito bagay.
Para akong kandilang natutunaw sa mga bawat sambit ng kanyang bibig.
At dama-dama ko rin ang sakit na naramdaman niya sa tuwing siya ay magkwento naman ng tungkol sa Aking Ama.
Buhay kailan ko kaya maramdaman ang kaginhawaan mo?
Pakiusap ngayon ako ay liisan panandalian sa tabi ng Aking Mahal na Ina sana naman ay wag mo siya pabayaan at ganun din ako.
Panatilihin mo maganda ang aking kalusugan at pangagatawan upang magawa ko ng maayos ang aking gagampanin sa araw araw.
Bigyan mo ako ng lakas ng loob na kailangan ko upang harapin ang UNOS NG BUHAY.
Ngayon...Bukas...at...Magpakailanman...AMEN
Saturday, January 1, 2011
2011 Day Planner
Bilang paunang post sa taong 2011 napili ko i share ang
Free 2011 Day Planner from Reader's Digest.
First time ko bumili ng issue nito uh-oh may freebies kasi hihi!
Madalas nanghiram lang ako sa library noong nasa kolehiyo ako. Poorita kasi lol.
Pero not bad kasi worth the information din naman. You can learn a lot from this magazine.
Latest information about health, lifestyle, business and etc.
At isa pa sa maganda sa RD eh marami sila pakulo at gimik na pang akit sa mga mambabasa.
Ngayon nga naakit na ko mag subscribe ng 12 months para makatipid ng 324.00 php at take note may libre pa itong Excursion Bag. Bongga talaga ang RD.
Mahilig talaga ko sa libre lol.
Nature ko na ata ang paging thrifty uh-oh pero hindi naman barat sakto lang lol.
Let us say na matipid lang ako at nagpapaka practical lang sa panahon ngayon taghirap kasi hihi!