Friday, April 22, 2011

Prusisyon



Kanina ay ginunita natin ang kamatayan ni Jesus ang ating tagapagligtas at ang ating Panginoon na siya umako ng ating kasalanan kaya't bilang pag gunita sa kanyang sakripisyo ay nakilahok ako muli sa taunang prusisyon sa aming bayan ng Naic dito sa Cavite.

Nakaugalian ko na makisali sa prusisyon every year kasama ang aking kaklase nung highschool at ang kanyang BF. syempre inggit much na naman ako dahil sila ay mag partner at ako naman ay wala kaholding hands joke.

Well at first na miss ko makipachikahan sa aking matalik na kaibigan dahil kanina lang ulit kami nagkita simula ng ako ay ipatapon sa Bicol.

Pero di naging maganda ang simula dahil nag LQ agad ang dalawa mag jowa! So ako naman caredeads lang, pero ang totoo eh ayoko ng may kasama mag jowa na nag aaway tapos sa prusisyon pa!

Kalurkey talaga and dalawa ito! Pero di nagtagal nagkabati din sila dalawa sa tulong ng kendi!

Yes tinanong ako ng friend ko kung may kendi daw ba ako sabi ko wala eh!

Dumukot si BF niya sa bulsa kunwari at nag check kung may laman kendi, pero ang totoo wala talaga!

Kaagad bumili ng kendi sa BF para kay girl at dun nagtatapos ang kanilang tampuhan bati na agad!

Sa isip isip ko sa dalawa ito! Naka SUPERFICIAL niyo! Chos! haha.

Syempre picture picture konti after ng prusisyon at ceremony sa simbahan.

Tapos uwi na eksena ko dahil kumain pa ang mag jowa. Syempre wala naman ako business na dun kaya ako ay MEGA-MGH (May Go Home) na!

At doon nagtapos ang aking Good Friday!

Have a blessed holy week peeps!

5 comments:

EngrMoks said...

Have a blessed Holy week din sayo parekoy...

egG. said...

naloka ako sa kwento mo... heheheh taga Naic ka po pala sir.. hehehehe....

buti na lang eh bati na po yung magjowa mong friend... ang laki ng naitulong ng prusisyon sa kanilang loving loving char!!! heheheh :D

PluripotentNurse said...

@ MOKS thanks kaw din :)

@ EgG hihi kulit kasi nilang 2 parang aso't pusa. Yes native ako ng Naic. Kaw ba?

Mga petty quarrels lang nila un! Haha.

Diamond R said...

ginagawang cubao lang ang bicol to cavite napansin ko lang.

PluripotentNurse said...

@ DR bakit naman?! haha dahil ba sa dalas ng pag uwi ko? hihi.