Sunday, February 27, 2011

When She Cries?


Anu gagawin mo pag umiiyak ang pinaka importanteng tao sa buhay mo?

Iiyak ka rin ba? O pipigilan mo ang emosyon mo para ipakita sa kanya na matatag ka.

This time hindi ko na naiwasan na pumatak ang luha ko sa harapan niya.

Pinakamasakit para sa akin ang makita siya na UMIIYAK dahil sa isang tao na hindi man lang inisip ang paghihirap na ginawa ng Aking Ina para sa akin.

Halos madurog ang PUSO ko sa sakit na naramdaman ng Aking Mahal na Ina sa mga oras na un.

Gusto ko magpakatatag para sa kanya pero hindi ko na maabsorb ang sakit na naramdaman niya, alam kong sa akin lang niya nasabi at nabanggit ang mga bagay na un dahil alam niya na papanigan ko siya,

YES Mama's BOY ako and I HATE MY FATHER A LOT:

for being so stupid
for being so careless and for hurting my Mom emotionally.

Galit at Poot ang naramdaman ko sa ginagawa niya sa Mama ko, hindi ko lubos maisip na after so many years of being okay maging ganito ang sitwasyon nila.

Parang gusto ko sumabog dahil wala ako iba magawa kundi umiyak na lang din habang kumakain kahapon,

Sobra sobra na ang hirap na nararanasan ni Mama ayoko na madagdagan pa ito.

Kaya lahat ng kaya ko gawin upang mabawasan ang sakit na naramdaman niya ay handa ko gawin alang alang lang sa kanya.

Pasensya na kayo sa mga nababasa niyo sa blog ko wala ko iba mapagsabihan kundi ang munting screen na ito na nagsilbi din shock absorber ko, hindi siya aangal sa bawat salita isinusulat ko.

I need to be strong and I need to fight for the right of Mom.

Hindi hindi ako papayag na patuloy niya sasaktan ang taong nagbigay ng buhay at nagpakahirap para ako ay maging ganap na nilalang sa mundong ito.

"Blessed be the God and Father of our Lord Jesus Christ, the Father of mercies and God of all comfort, who comforts us in all our affliction, so that we may be able to comfort those who are in any affliction, with the comfort with which we ourselves are comforted by God."
(2 Corinthians 1:3-4)


Lord pls give me the strenght that I need. AMEN.

10 comments:

RAV Jr said...

Nakakalungkot naman, instead na masaya ang bakasyon mo ay, sakit at poot ang inabot mo... sana nga ay maging matatag ka at lalo na si mama mo... sna din ay maliwanagan si papa mo pra maayos na ang lahat... dinggin nawa ng Diyos ang iyong mga panalangin...

Anonymous said...

:(

ayaw kong ituloy pagbabasa. baka maiyak ako. T_T

Anonymous said...

God bless you and your Mom.

mothers are tough. ang kailangan nya lang ngayon si somebody who will make her tougher. somebody who will listen and who will keep up with her emotions. be that somebody. give her a warm hug every now and then. =)

rainbow visit. ♥

PluripotentNurse said...

@ Prop yes hindi ko inaasahan ang mga ganung pangyayari sa paguwi ko. Im so depressed that time. Para talaga gusto ko sumabog na parang bomba.

@ Kyle im sorry for my post alam ko masyado emo pero dito ko lang siya na express freely.

@ Rainbow thank you so much. Yes i want to be that somebody pero as of now physically hindi ko kayang gawin dahil malayo ako sa kanya.

Sean said...

ang sakit naman a dibdib nito. i hope God gives you and your family the grace to overcome this.

TAMBAY said...

ung maramdaman nya ang presence mo eh malaking tulong na yun.. sana maayos ang gusot sa pagitan nilang dalawa..

Hoobert the Awesome said...

Hey, thank you for following my blog. I really appreciate it! :)))

Unknown said...

be strong. be a fighter!

ZaiZai said...

wow very good ka, always be there for your mom. makakaya nyo yan, just always be there for each other.

God bless!

Anonymous said...

.