Ako'y narito na ulit para magkwento ng isang not so good na karanasan sa Honda San Pablo, nakakadala at hindi hindi ko na ipapasok ang sasakyan ko sa casa un! Sinabihan na ko ng mga senior citizen ko counterparts na wag ko daw ipasok dun at jurrasic ng ang kanilang service pero ang kuya niyo makulit pa rin go pa rin, yan tuloy natikam ko ang bitterness nila 1 week kaya naka hibernate mode si thirdee sa Laguna kaines.
Almost 3 weeks ako wala sasakyan napakasaklap for me kasi naman ang karu ay napaka vital sa trabaho ko kung wala siya wala din drive to work ang hirap pala masanay na ikaw ang nag drive kasi naman hawak mo ang oras mo, alam mo ung mga shortcut na pwede daanan kapag traffic, less stress at less ang pagod, good thing during my first 2 weeks andyan pa ung friend ko na lagi ko kasama mag work dahil same kami ng target customers kaya partner in crime ko siya, sobrang lungkot nga lang kasi nag resign na siya dahil sa hindi maganda pangyayari sa kanya at sa boss niya.
At dahil wala na siya at wala na rin ako masabayan nag decide ako na kunin na si thirdee sa casa, at sumangayon naman ang tadhana natapos na rin siya gawin pero ang change oil hindi pa nila na gawa so kupad at so bagal talaga kaya kung may sasakyan kayo wag niyo na dadalhin sa Honda San Pablo maiirita lang din kayo.
Ang mahalaga sa ngayon driver na ulit ako hindi na ako pasahero at bumalik na ulit ang aking drive to work.
Pramis magsisipag na ulit ako at susuyurin ko na ang Bicol para quota na ulit. Thirdee makakarampa ka na ulit sa kalsada hihi.