Region 5 will always be the typhoon's favorite spot.
At recently nga medyo nagdaan na naman ang isang malakas na bagyo na walang habas na naminsala sa buong bicol Region most specially sa part ng Nabua and Polangui.
Ang dalawang towns na nabanggit ko ay pinaka apektado may mga nabalita may mga namatay pa dahil sa baha.
At kita kita ko talaga ang pinsala nito habang binabaybay ko ang national highway from Naga to Legaspi.
Just yesterday nakita ko kung gaano katindi ang putik na iniwan ng nakaraang bagyo.
Karamihan sa mga puno sa daan ay nagtumbahan na dahil siguro sa lakas ng hagupit ng bagyong nagdaan.
At syempre naramdaman din ng aking sasakyan ang epekto ng bagyo!
bongga bongga paligo ng putik ang inabot ko, hindi mo gugustuhin dumikit at talaga madumihan ang damit mo.
Hindi na ako nag attempt na mag car wash at araw araw naman kasi ang ulan umaasa na lang ako libreng car wash.
At isa pa pala sa nasaksihan ko ay epekto ng Mayon sa Tabaco City, u can see in the picture na grabe din ang mga bato, putik, itim na buhangin ang naghambalang sa daan, at ganyan katoxic ang dinaanan ko way kanina!
stressful sa driving ang inabot ko ang dating 30 minutes from Legaspi to Tabaco, naging 1 hour!
Pagdating ko sa City of Love ang init init naman ang lagkit sa mukha ng binubuga usok ni Mayon!
Hindi carry ng powers ng aircon ng aking sasakyan ang init.
Kaya pagkatapos ng mghapong trabaho i feel so empty and exhausted,
Sa sobrang ka ok-okan ko sumyad pa ang rim ng gulong ko sa isang makipot na parking space sa last clinic na aking binisita next time bawas bawasan ko na pagiging OC sa parking! Kaines.
At sumakit ang tuhod after driving whole day, kailangan ko na ata mag Arthro. Kasi naman 2 days straight na din ako nainom ng isa bote ng alak lang naman sa isang gabi.
Feeling ko medyo nag increase ng konti ang uric acid ko kaya iwas muna.
Yan lang muna ang aking ma i share sa ngayon.