Tuesday, November 8, 2011

Bakit ako Nawala?

:)
Goodmorning again blogger friends. Magtaka siguro kayo kung bakit ako nawala for sometime. At narito ang aking paliwanag sa biglaan ko pagkawala at ni hi ni ho wala man lang ako post dito sa blogger account ko , 1. Pre-occupied ang aking isipan- yes marami bumabagabag na problema sa akin nooong nakaraang buwan, na halos wala ako kagana gana mag post dahil wala din pumapasok sa isip ko. Mahirap naman mag post ng kung anu2 na lang at baka langawin ang blogger ko at hindi niyo na basahin,just a joke hehe. 2. Sobra Busy- kung saan saan ata ako nakarating na lugar, nag meeting kami Laguna at nag training ng 2 araw, nagyaya ang aking mga kaibigan sa Caramoan na late ko na rin na ipost ang mga litrato kung inyong mapapansin. Masyado ko ata kinarir ang trabaho ko last month? 3.Qouta Month- Yes di kayo nagkakamali sa inyong nababasa I was able to hit my target last month. Super thankful ako kay God sa binigay niya biyaya at kahit panu nagbunga naman ang lahat ng paghihirap ng inyong lingkod. 4.Erratic Internet Connection- Isa na rin ito kung bakit siguro ako tinamad hindi kasi nagbabayad ng wifi bill niya ang land lady ko ayan tuloy ang tagal ko nawala haha. hinihintay pa niya kasi ung bayad ko sa rent para siguro mabayaran na rin niya ung bill na kung saan ay isa ako sa mga suki suki ng wifi niya hehe. 5. Tinamad lang talaga- kung minsan sa buhay nating mga writer hindi maiiwasan tamarin dahil wla ka ma ishare o maisip un lang naman and hopefully hindi na sana ako tamarin pa para tuloy tuloy na ulit ang aking pagsulat O panu workmode na muna ako mga kaibigan abangan ang Part 2 ng aming adventures sa Caramoan Island

Monday, November 7, 2011

Caramoan Adventures Part 1

Oops naligaw ata ako! hehe biglaan lang po ito bigla ko naisipan magbalik blogosphere haha! Sana ay may mga nasurpresa sa aking pagbabalik :) At katulad ng biglaan na post na ito biglaan lang din ang lakad na ito sa Caramoan, parang sa isang iglap nagising na lang ako nakasakay na pala kami sa bangka! Pero good thing natuloy ito kahit biglaan mag 1 year na rin naman ako dito sa Bicol kaya kailangan mapuntahan na ang mga dapat mapuntahan na tourist spots para naman hindi ako masabihan na banyaga sa sarili nating bansa hihi. At eto naman ay for your eyes only my dear readers, 3am kami umalis ng Naga City proper para makahabol sa earliest trip ng bangka to Caramaon Island. I so love the sunrise at talaga kinunan ko siya habang nakasakay kami sa bangka.
For 120 pesos na transportation 2 hrs kami nag travel from San Jose para makarating sa Isla ng Caramoan
Ang litrato ito ay kung saan ginawa ang huling challenges ng mga nagdaang Survivor sa isla. Im not sure kung anu bansa basta eto daw un isa sa mga natira nila alala ayon sa aming tour guide
Ang kauna-unahan kong pageksena ng posisyong planking! Haha. Gumaya lang ako sa friend ko na nag plank sa ilalim ng batuhan.
Isa sa mga birhen na isla sa Caramoan kung saan kami ng lunch napakaganda ng buhangin dito pino pino parang sa Boracay daw sabi ng isang kaibigan.
Syempre mawala ba ang jumpshot syempre hindi ayan at nagpakuha ang mga hayok. Gamit ang aking camera.
Our ultimate cave adventure sabi ng tour guide eh free na daw ang pag tour niya sa amin sa isla kung saan naroroon ang kweba mabato hehe.
This picture show a clear imitation of a crocodile kaya Crocodile Island daw ang tawag sa kanya.
Swimming moments with friends after eating lunch langoy mode na ang mga lakwatsero at lakwatsera.

Monday, September 26, 2011

CAMSUR Marathon 2011

At narito na naman ang inyong lingkod na nagsusumamo na tangkilikin ulit ang aking blog sa kabila ng pagiging busy ko at pagiging tamad ko sa pag post ng mga kwento sa aking buhay. Recently ay nag decide ako na karirin ang pagtakbo bilang isang magandang ehersisyo na makakatulong sa pag abot ng magandang kalusugan hehe. Tagalog mode ang eksena ko ngayon. Nagsimula ang lahat sa Pili Stadium at nagtapos naman sa CWC. Nakakalula ang mga runners sa dami nila ay hindi ko nakita ang mga friends ko sumali sa takbuhan. Heto ang ilan sa aking mga litrato after the marathon, hindi kami nakapicture taking during the marathon dahil sa excitement naiwan ang digicam sa kotse lol.
This is not the actual start, nagsimula ang lahat sa Pili Stadium
Nagkalat syempre ang mga water stations sa kalye
Ang major sponsors during the event
at ang finish line hihi. Ang official time ko 35 minutes not bad for a start. My next goal is 10K run na haha sana kayanin ko :)

Friday, September 9, 2011

Graziano's Italian Restaurant

Happy Saturday blogpeeps :) I would like to share some of our pics sa Tabaco City, dinadayo ko talaga to restaurant na to everytime i visit the place, 30 minutes drive din siya from Legaspi City.
The tomato thingy :)
Sila ang aking mga kabatak sa kainan dito sa restaurant, si Leslie at Leng mga beautiful girls from Legaspi kapwa ko medrep din.
At ang interior ng restaurant may pagka classic ng konti.
Syempre hindi mawala ang lasagna na 99 php lang busog ka na sa laki ng servings hihi with the muffin on the side sarap hehe :)

Monday, September 5, 2011

Panicuason Hot Spring Resort

Ako'y muling kumakatok sa inyong pintuan, at nagablik bilang isang photo blogger,
yes mag focus ang blog na ito sa mga litrato sa kaganapan ng aking buhay dito sa Bicol at bilang isang patikim sa aking mambabasa heto at naghanda ako ng bongga bongga mga pictures na sana ay makapukaw sa inyong damdamin.



Ang mga SABIC! (Samahan ng mga Ahente sa Bicol) haha!



Talaga susuungin namin ang madulas na batuhan makapag papicture lang sa magandang batis



Ang cold spring sa gitna ng resort







At ang dalawang nahuli ko kuha ay ang patunay na excited ako sa man made na falls

Napakasaya kasama ng aking mga newly found friends. Housemate ko ang iba at ang iba ay mga friends din nila.

Sumabit lang pala ako sa gimik na ito pero laking pasasalamat ko at napaka ganda ng unang experience ko dito sa magandang rehiyon ng Bicol kasama ang mga SABIC!!! hehe.

Sa mga kaibigan ko sa FB paki like naman ung album ko nagmamakaawa ako sa inyo lol.

Mas marami pa larawan ang makita sa aking fb account nurselloydie@gmail.com paki add po salamat :)

Thursday, August 25, 2011

Barako for Hire

Isang magandang umaga sa inyo mga ka bloggers!

Im back in Cavite, dahil long weekend enjoy lang after a stresful katayan extended katayan weeks.

Hay hanggang kelan kaya ako sa Bicol? ayoko na bumalik dun huhu.

No choice ayoko naman maging bum db...

Sorry sa mga readers busy mode ang lolo niyo.

At kaakibat ng post na ito ang larawan na nasa itaas na pumukaw sa aming mata noong kami ay nag area sa isang lugar sa DAET Camarines Norte hihi.

Anu klase Barako kaya ito?

Kayo anu sa tinigin niyo?

Sunday, August 21, 2011

Positive Vibes



Good morning peeps!






Amazing and Wonderful monday sa ating lahat.






Nagising ako with full of energy and positive vibes in my mind.






Kailangan simulan ang bago cycle na puno puno ng enerhiya at dapat excited sa bawat araw.






Kailangan ko na talaga kumota (LORD tulungan niyo po ako)






Alam ko di mo ako pababayaan kaya't sana ay gabayan mo po ako sa bawat visit ko sa aking mga customers.






Hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa.






Life must go on. Full of Hope dapat.






Thank you sa lahat ng biyaya binigay mo sa akin sa mga nagdaang araw at sana ay patuloy mo aking bigyan ng unlimited blessings sa mga susunod pa araw.






Gabayan mo din po ang lahat ng tao na nangangailangan ng iyong tulong.






Ang lahat ng ito ay idinadalangin ko sa iyo Panginoon. I love you.






AMEN.






Back to Work na ulit :)